24/04/2023
(SUPER LATE UPLOAD NA PO ITO😅 THIS IS LAST FEBRUARY 14, 2023)
OUR FIRST PROOF OF ORDERS THIS VALENTINE'S DAY😍😍❤️❤️❤️ WE HAVE SOLD 23 BOXES OF CUPCAKES 😍🧁 GLORY TO GOD🙏 Napakabait talaga ni Lord🙏
Story time muna tayo guys☺️ I just wanna share how GOD is really good and how he works para malagpasan namin yung mga failures na kinaharap namin bago namin maisakatuparan ang lahat ng ito. Bago lang kami sa mundo ng baking na kagaya nito. At kagaya ng karaniwang nag-sisimula pa lamang ay hindi pa ganun kalalim ang kaalaman namin pag dating dito. Nangangapa-ngapa pa kami kumbaga. Naranasan namin ng maraming beses yung palpak yung timpla nung icing namin. Nung unang subok namin nung icing nag tubig sya. (Kailangan pala may cream of tartar and malapot yung asukal mo bago ihalo sa egg yolk.) Yung sa amin kasi tinunaw lang namin and then inihalo na. Maraming beses kaming nag practice ng icing, paulit-ulit. Maraming beses din pumalpak. Pero, ngayon alam na namin ang tamang disakarte sa icing. Nung first try namin yung cupcakes medyo dry yung ibabaw nya. Pero, nakuha na din namin yung tamang luto nya. It is really moist na po ngayon😍😍 Thanks God 🙏
Last February 06 nag post na ako at nag simula ng mag paorder for valentine's. Araw-araw may nag me-message at umoorder. Sobrang saya na namin nung mga time na ito. Kasi grabe yung biyaya ni Lord🙏 And then suddenly four days before valentine's, nasira yung first ever hand mixer namin😔 Binili ko po iyon sa shopee worth 500 pesos. Nasira sya habang gumagawa at nag papractice kami ng icing. Kabado na kami nung mga panahon na yun sobra. Wala kaming mahanap na mapag pagawaan nung mixer dalawang electrician na yung napuntahan namin. Palapit na ng palapit yung valentine's at magka halong kaba at takot na yung nararamdaman namin. Kasi everyday parin nadadagdagan yung order. Ang dami na naming paorder that time. Sinubukan naming humiram muna sa iba pero bigo parin kami. Halos dalawang araw na lang bago ang valentine's nung napag desisyonan namin na bumili na lang ng bago kasi nga medyo short na kami nun sa budget dahil ang mahal nung mga ingredients. Pero hindi na kami nag order online kasi hindi na aabot and nadala na din ako sa naranasan namin. It is almost 6:30PM na nung bumili kami kasi hapon na nakauwi galing work yung fiance ko. Hinahabol din namin yung oras kasi medyo gabi na at baka mag sarado na sa bibilihan namin. Nung nakabili na kami para kaming nabunutan ng tinik. Buti na lang talaga hindi kami sumuko. Hindi talaga kami pinabayaan ni Lord sa lahat ng oras 🙏
Lastly is yung BOXES guys 😭 I ordered it all on shopee last February 07. Then February 10 na hindi parin nashiship out😭 Akala namin tapos na yung pagsubok dun sa mixer pero heto na naman. Nag message ako Ng paulit-ulit dun sa seller about my parcel kasi parang hindi na talaga aabot. And worst hindi responsive si seller! That night I keep on praying na sana naman gumalaw na yung parcel ko😭 Kasi ang hirap mag hanap ng boxes sa market. Nakatulog ako kakaiyak kasi bakit ganun ang daming hadlang at aberya😭 Naisip ko pa na baka hindi talaga ito para sa amin. Kinabukasan pag gising ko, pumunta agad ako shopee app at nag babaka sakaling may pag babago na and I was surprised kasi finally nag moved na yung order ko😍😭 Saturday morning na yun and kailangan na namin yung item by sunday evening. Dahil nga may first three batch kami ng order. At hindi na naman kami bingo ni Lord🙏 Kasi Sunday afternoon dumating na yung boxes 😍 Grabe yung stress at nerbyos na naramdaman namin dahil sa mga pagsubok bago pa namin magawa lahat ng ito. Sinubok talaga kami ng husto. Oo, pinang hinaan kami ng loob pero hindi kami sumuko kasi alam naming hindi kami iiwan ni Lord sa ganoong sitwasyon.
Napakasarap sa pakiramdam nung nairaos namin ito sa tulong at gabay ni Lord🙏 At sa suporta ng aming pamilya. Maraming maraming salamat po sa inyo😭🤗 SALAMAT SA MGA UMORDER AT NAG TIWALA SA AMIN KAHIT SA UNANG PAGKAKATAON🥰 SALAMAT RIN SA MGA POSITIVE FEEDBACKS NYO SA GINAWA NAMING CUPCAKES🥰 TUNAY NGANG NAKAKATABA NG PUSO🥰❤️❤️❤️ MAKAKA-ASA PO KAYONG MAS PAG BUBUTIHIN PA NAMIN LALO. TO GOD BE THE HIGHEST GLORY🙏
Blue Ribbon Cupcakes 🧁🩵