31/03/2026
Bagay na Puwedeng Gawin Bilang Paghahanda sa Posibleng Malawakang Power Outage!
1. Mag-imbak ng Sapat na Tubig at Hindi-nasisirang Pagkain Kapag may matagal na brownout, maaaring maapektuhan ang water pumps at supply ng tubig. Magtabi ng inuming tubig at ilang araw na stock ng pagkain na hindi nangangailangan ng pagluluto, gaya ng de-latang goods, instant noodles, tinapay, at energy bars. Mas mabuti nang handa kaysa biglaang maubusan.
2. Maghanda ng Alternative Power Sources Kabilang dito ang power banks, rechargeable fans, solar lamps, at kung kaya, isang maliit na generator. Kapaki-pakinabang ito para patuloy na magamit ang cellphone, ilaw, at mahahalagang appliances kahit walang kuryente. Ang solar lights ay mura at madaling ma-recharge kahit walang outlet.
3. Siguraduhing May Emergency Kit Maghanda ng isang bag na may laman na flashlight, extra batteries, first-aid kit, kandila lighter whistle at basic tools.Kapaki-pakinabang ito sa anumang uri ng emergency at nagbibigay ng mabilisang access sa mga kailangan kapag nawalan ng ilaw o may problema sa paligid.
4. I-secure ang Mahahalagang Dokumento at Devices Ilagay sa isang waterproof na folder ang mga dokumento gaya ng IDs, birth certificates, insurance, at iba pa. Tiyakin ding naka-backup ang mahahalagang files sa iyong phone o laptop. Kung sakaling may hindi inaasahang sitwasyon, madali kang makakagalaw at hindi mawawala ang importante mong papeles.
5. Gumawa ng Personal at Pamilyang Emergency Plan Pag-usapan at planuhin kung ano ang gagawin ng bawat miyembro ng pamilya kapag biglang nawalan ng kuryente: saan magtitipon, paano magko-communicate, at anong gagawin kung tumagal ng isang araw