24/05/2024
โผ๏ธ SCAM ALERT โผ๏ธ (Medyo mahaba para kumpleto ang kwento)
- Um-order si misis sa Yoshinoya online. Binayaran na sa GCash. 6:05pm booked.
- 7pm na "processing" pa din. Tinawagan ni misis. "Angel" ang name ng nakausap nya. Pasay branch. May problem daw yung online yata, at di pa nila nakukuha yung order.
- 7:20pm may nag-text na Food Panda Go, nakuha na order. May link para sa tracking. Kaso di gumagalaw, tapos yung number ng rider tinatawagan namin, not existing daw.
- 7:30pm may tumawag na bading ke misis. Manager daw sya ng Yoshinoya. Nag-glitch daw ang system nila at 3x daw na-book yung order namin. Kaya baka daw pwede i-refund na lang ang GCash ni misis, tapos babayaran na lang ni misis yung rider pag dating. Di nya mapaliwanag kung bakit ganun.
- 7:45pm tumawag ulit si misis kay Angel. Di daw kilala nung Angel yung bading. Tapos yung rider na di ma-contact, biglang sinet na cancelled order na.
- 7:50pm ako na ang tumawag dun sa Angel (umuusok na ilong ko sa gutom), inaway ko na. Pinapa-intindi ko sa kanya na wala kaming kinalaman sa mga kalokohang nangyayari. Lahat sa side nila yun. Sila nag-book ng rider, sila nagbigay ng food sa rider, etc. Kami ay um-order lang online at nagbayad ng maayos, kaya dapat palitan nya ang food namin, magpadala sya ng bago. Ayaw nya palitan ang food, ang options daw namin ay dalawa: tulungan namin sila ma-corner yung nang-scam - i-accept namin namin yung sa bading na order at sabihin namin na babayaran yung namin yung rider, tapos picture-an na lang daw namin yung rider kung dadalhin man sa amin ang food, OR... mag-refund na lang daw kami ng order namin sa website which will take 48 hours bago bumalik ang pera namin - 48 hours!!! Inis na inis ako, kasi sila (yoshinoya) ang na-scam, hindi kami. Pero kami yung nawalan ng pera, at walang food, tapos gusto pa nya kami utusan sa pag-corner ng scammer na wala naman kaming kinalaman dahil sila ang nag-book dun - labas kami dun. Sabi pa nung Angel sa kanila daw macha-charge yung food kung ma-doble ang isi-send sa amin... eh dapat lang, kasi nga sila ang na-scam, hindi naman kami. Sabi nya pa pareho lang naman daw kami ng situation na na-scam... kaya lalo akong naiinis, kasi hindi kami pareho ng situation. Customer kami na um-order at nagbayad ng maayos. Tapos sila ang nag-book ng scammer, na internal process nila, sa side nila. Pero dinadamay nila kami sa pagka-scam nila, at lumalabas na kami pa ang pinakakawawa kasi nawalan na ng pera, nawalan pa ng food - AT GUTOM NA GUTOM NA lahat ng tao sa bahay - as in! Pero ayaw nya talaga pumayag na magpadala ng new food. Hiningi nya number nung bading at try nya daw tawagan. Balikan daw nya kami in 5 minutes.
- Mga 8:05pm, habang naggu-google na ako kung pano mag-file ng complaint sa DTI, nag-chat yung Angel sa viber. Sinend nya picture nung progress ng Panda Go rider scammer, naging "Delivered" na. Since wala naman kaming nakukuhang food, confirmed nang scam talaga. Tinanong namin ano gagawin, at pinaalala namin sa kanya na lahat ng pang-scam sa side nila nangyari, hindi kami kasali dun, pero kami yung walang food at nawalan ng 1.5k++ .. at yun... At last! Pumayag na sya na magpapadala na lang daw ng bagong order sa amin, at sa Lalamove na lang daw nya ibu-book.
KAYA... INGAT TAYO SA MGA SCAMMER. LAGING MAG-VOICE or VIDEO CALL PARA CONFIRMED LAGI NA ANG KAUSAP MO AY TAMANG TAO.
Meanwhile, si misis nagluto na ng corned beef para makakain na ang mga bata. At ako, tinitiis ko ang gutom para hintayin ang chicken teriyaki ko. May link nang pinadala si Angel para ma-track si lalamove, pero wala pa din as of the time of posting. Buti nga may lakas pa ako para i-type lahat ng to... gutom na ko!!!