09/09/2025
🥹🙇🙌
“𝐑𝐞𝐬𝐭𝐨𝐫𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐉𝐮𝐬𝐭𝐢𝐜𝐞 𝐚𝐭 𝐄𝐛𝐚𝐧𝐠𝐡𝐞𝐥𝐲𝐨: 𝐏𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐍𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐬𝐚𝐥𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐬 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐩𝐚𝐥𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚” 🤔🔥
𝗔𝗹𝗮𝗺 𝗺𝗼 𝗯𝗮 𝘆𝘂𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗿𝗲𝘀𝘁𝗼𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗷𝘂𝘀𝘁𝗶𝗰𝗲 𝘀𝗮 𝗶𝗹𝗮𝗹𝗶𝗺 𝗻𝗴 𝗥.𝗔. 𝟵𝟯𝟰𝟰????
Kasi diba, ang puso ng batas na ito ay hindi lang basta parusahan yung batang nagkamali. Hindi siya agad tinatatakan bilang kriminal. Ang tinitingnan ay paano siya matutulungan, paano maitama ang mali, paano maibalik yung tiwala, at paano maghilom yung sugat hindi lang ng biktima, kundi pati nung nagkasala at ng buong komunidad.
𝙥𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜 𝙜𝙖𝙣𝙞𝙩𝙤 𝙧𝙞𝙣 𝙥𝙤 𝙨𝙞 𝙇𝙤𝙧𝙙.
Lahat tayo, nagkakamali. Lahat tayo, may nilabag. Pero ang hustisya ni Lord hindi lang puro parusa, kundi may kasamang pag-asa at paggaling. Yung krus mismo, yun ang pinakamalupit na restorative justice ng langit.
Kadalasan, sa mundo, madali tayong maglagay ng label: adik, kriminal, ex-con, black sheep, backslider. Pero 𝙨𝙞 𝙅𝙚𝙨𝙪𝙨, 𝙞𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙡𝙖𝙨𝙚. 𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙎𝙞𝙮𝙖 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜𝙞𝙣 𝙨𝙖 𝙡𝙖𝙗𝙚𝙡 𝙢𝙤, 𝙠𝙪𝙣𝙙𝙞 𝙨𝙖 𝙥𝙤𝙩𝙚𝙣𝙨𝙮𝙖𝙡 𝙢𝙤. 𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙡𝙖𝙣𝙜 "𝙥𝙖𝙖𝙣𝙤 𝙠𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙠𝙖𝙢𝙖𝙡𝙞," 𝙠𝙪𝙣𝙙𝙞 "𝙥𝙖𝙖𝙣𝙤 𝙠𝙖 𝙥𝙬𝙚𝙙𝙚𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙗𝙖𝙜𝙤."
Masasabi kong ang retributive justice ay "𝙗𝙖𝙮𝙖𝙧𝙖𝙣 𝙢𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙨𝙖𝙡𝙖𝙣𝙖𝙣 𝙢𝙤,"
pero ang restorative justice ay "𝗺𝗮𝗶𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸 𝗮𝗻𝗴 𝗿𝗲𝗹𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝗱𝗶𝗴𝗻𝗶𝗱𝗮𝗱."
At ito mismo ang larawan ng Ebanghelyo. Hindi binura ng Diyos ang bigat ng kasalanan, pero Siya mismo ang nagbayad, upang maibalik ang relasyon natin sa Kanya at sa isa't isa.
Kung ang batas ng tao ay may restorative justice, mas higit ang puso ng Diyos 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗶𝘆𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗯𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗰𝗼𝗻𝗱 𝗰𝗵𝗮𝗻𝗰𝗲, 𝗦𝗶𝘆𝗮 𝗺𝗶𝘀𝗺𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗴𝗼.