18/02/2026
Bakit mas mahal ang HOMEMADE CUSTOMIZED CAKES kesa sa mga cake ng sikat na bake shop?
May mga tao ang nagugulat sa presyo ng mga homemade customized cakes tuwing sila ay magtatanong kung magkano ito. Bakit nga ba di hamak na mas mahal ang mga homemade CUSTOMIZED CAKES kesa sa mga sikat na bake shop?
Narito po ang kasagutan.
1. Ang order ng mga homemade customized cakes ay paisa-isa lamang, kaya pag bumili kami ng mga ingredients ay paisa isa lang din. Ang ibig sabihin nun, "retail price" ang kuha namin sa mga ingredients hindi katulad ng mga sikat na bakeshop, "whole sale" ang kuha nila sa mga supplier kaya nabibili nila ito ng mas mura.
2. Mano mano namin itong ginagawa. Pagod, puyat, dugo't pawis ang puhunan namin para magawa ng maayos at malinis ang mga orders na cake. Hindi kami gumagamit ng malalaking makinarya para mabawasan manlang ang pagod at oras ng paggawa, (especially ang FONDANT CAKE). Hindi katulad ng mga sikat na bake shop na puro makina ang nagtatrabaho at gumagawa ng mga cakes na order sakanila.
3. Ang mga homemade cakes ay FRESHLY BAKED. Ibig sabihin nun ay hindi kami gumagamit ng ano mang PRESERVATIVE para lang mapatagal ang buhay ng cake na ginagawa namin. Hindi katulad ng mga nasa sikat na bake shop na ginagamitan nila ng preservative ang kanilang mga produkto kaya kahit i-stock nila ito ay ok lang. Kung minsan ay nakakabawas ito ng kalidad ng produktong pagkain. Kaya ang mga homemade cakes ay FRESHLY BAKED, NO PRESERVATIVES ADDED, AND SAFE TO CONSUME BY ADULTS AND CHILDREN.
Ito lamang po ang ilan sa mga importanteng dapat nyong iconsider pag umoorder o nagiinquire kayo tungkol sa presyo ng mga CUSTOMIZED HOMEMADE CAKES. Maramin salamat sa pag intindi
THANK YOU! 🤗❤️❤️🥰
CTTO