Pan De Mayumo Tinapay at Kapehan

Pan De Mayumo Tinapay at Kapehan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pan De Mayumo Tinapay at Kapehan, Bakery, San Pedro Camias, San Miguel.

Kulang ang kahit ano mang salita para ilarawan ang di matatawarang pasasalamat para sa limang (5) rescuers ng Bulacan PD...
26/09/2022

Kulang ang kahit ano mang salita para ilarawan ang di matatawarang pasasalamat para sa limang (5) rescuers ng Bulacan PDRRMO na nasawi habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa aming bayang San Miguel.

Saludo po kami sa inyong dedikasyon at kabayanihan💛.

Lubos po ang aming pakikiramay sa mga naulilang pamilya at buong Bulacan PDRRMO, mula sa bumubuo ng KAPKONSI MELVIN SANTOS- PAN DE MAYUMO TINAPAY AT KAPIHAN.

SALAMAT, AT PAALAM..BAYANING TAGAPAGLIGTAS
Mensahe Mula kay Gobernador Daniel R. Fernando

“Sa ngalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at ng ating mga kababayan, ang inyong abang lingkod ay lubos na nakikiramay sa mga pamilyang naulila ng ating mga magigiting na rescue workers na nasawi habang tumutupad ng tungkuling mailigtas ang ating mga kababayan sa gitna ng hagupit ng bagyong Karding.

Ang pagpupugay na ito ay alay sa kawalang-pagiimbot at katapangan ng ating mga first responders mula sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na sina:

⭐️George E. Agustin
⭐️Troy Justin P. Agustin
⭐️Marby B. Bartolome
⭐️Jerson L. Resurrecion
⭐️Narciso Calayag Jr.

Sila ay kumakatawan sa lahat ng pinakamabubuting katangian ng tunay na Bulakenyo. Ang kaligtasan ng publiko ay higit sa isang trabaho lamang… ito ay isang panawagan ng paglilingkod. Saludo tayong lahat sa kanilang naging pagtugon sa panawagang iyon-- gaano man kalubha ang panganib – sukdulang ikasawi ng kanilang angking buhay— sila ay nanagutan para sa ating kaligtasan.

⭐️George, ⭐️Troy, ⭐️Marby, ⭐️Jerson and ⭐️Narciso….walang hanggang pasasalamat sa inyong di masukat na kabutihan. Ang mga kuwento ng inyong kabayanihan ay paulit-ulit na itatanghal. Sa dakilang sakripisyo at pagpapakasakit na naganap sa araw na ito, Setyembte 26, 2022, ay naiukit ang inyong hindi malilimutang bahagi sa kasaysayan ng ating lalawigan at sa puso ng bawat Bulakenyo.

Maraming salamat, at paalam… Bayaning Tagapagligtas!”


Perfect on this wet weather🥰☕️🍞🥐Brewed Coffee and bread any one???
25/09/2022

Perfect on this wet weather🥰☕️🍞🥐
Brewed Coffee and bread any one???

Address

San Pedro Camias
San Miguel
3011

Opening Hours

Monday 6am - 6pm
Tuesday 6am - 6pm
Wednesday 6am - 6pm
Thursday 6am - 6pm
Friday 6am - 6pm
Saturday 6am - 6pm
Sunday 6am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pan De Mayumo Tinapay at Kapehan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category