30/06/2023
❤️❤️❤️
SALAMAT SA CAKE
_________________
Nung bata ako, mga 9 or 10 years old siguro ako..
Feeling ko pag may Cake sa lamesa namin, Pasko na.
Sa pagkakatanda ko kase, Nanay and Tatay started from scrath.
They both came from a not so well off Family at talagang nagsikap sila para samin.
Lahat ng klase ng work ay sinubukan ng Tatay ko, ultimo pagtitinda ng lobo sa Bayan.
Si Nanay naman ay nagtinda tinda ng mga lutong ulam, hanggang nagkaron ng sariling tindahan.
Hindi kami mayaman. Pero hindi kami nagkulang.
Pero kada Pasko lang ako nakakakita ng Cake sa lamesa namin. (or may birthday)
Feeling ko mayaman lang ang kayang bumili ng Caramel Roll ng Goldilocks kaya masaya ako pag may ganun kami sa mesa.
Back then, I never really thought that my Parents had to work REALLY hard just to have them on the table.
So in my young and happy mind, naiisip ko na at lagi kong pinagpepray noon na "Sana laging Pasko." o kaya "Sana magkaron kami ng maraming pera para hindi lang tuwing Pasko kami may Cake, or Sliced Bread at CheeseWhiz." o kaya "Pag nagkaWork ako, araw-araw akong bibili ng Cake."
---
Now that I'm old and earning enough to buy Cake whenever I want to, naaalala ko yang mga moment na yan nung bata ako.
Kaya siguro din ako may habit na bumili ng Cake ngayong matanda na ako.
May Birthday? Cake.
May celebration? Cake.
May bibisitahin? Cake.
At sa totoo lang, Hindi ako mahilig sa Cake.
Sa bahay namin, ndi din sila mahilig sa Cake.
Pero I'd still buy Cake from time to time.
It's like a reminder that GOD allowed me to remember my Childhood happiness and turns it to an answered Prayer.
Hindi pa naman araw-araw Pasko, at wala pa din kaming maraming pera..
Pero I'm living at least one of the prayers I used to pray.
And for that, I am thankful.
_________________
"Ansarap sa feeling na nakakapagCoke ka kahit walang bisita."
"Hindi na lumang retaso ng damit ang panghugas namin ng plato.. sponge na."
"Nakakapag-Jolibee na kahit walang lagnat."
"May kuryente na kami, hindi na gasera."
"Hindi na nilalagyan ng tubig ang Ketchup."
"Hindi na maghihintay ng pasko para sa bagong damit."
"Hindi na cupnoodles ang baso."
"Pinto na, hindi na kurtina."
"Hindi na ako matutulog ng gutom."
All these testimonies about answered prayers and small wins, mapapasabi ka nalang ng..
"Salamat Lord."
_________________
PRAISE GOD FOR OUR SMALL WINS! :)
Good morning! :)
Bago palang po ako magcheck ng messages ulet.