14/10/2019
BAKIT MASARAP MAY SARILING NEGOSYO?
Bakit nga ba masarap may sariling negosyo?
Eh tayo ang mag-iisip ng lahat, magpapasahod,
tayo ang unang gigising at huling matutulog ---
O anong masarap duβn?
Alam nβyo KaChink, wala naman yatang
business owner ang hindi dumaan sa ganito,
kadalasan nga, mas mabibigat pa ang
mga pinagdadaanan para lang umasenso
sa ganitong career.
May nabankrupt, lubog sa utang,
naloko ng business partners, o nalugi
pero pinili pa rin lumaban.
Tignan nβyo naman sina Gokongwei,
Sy, Tan family at ibaβt ibang mga taong
naglakas loob na sumabak ---
Lahat sila asensado na.
Nagkaroon man ng downs, pero
mas nanaig ang determinasyon, tiwala, at
kagustuhang maging matagumpay ang negosyo,
kaya nakakabangon.
Mahirap pero marami itong advantages.
Anu-ano ito?
YOU ARE YOUR OWN BOSS!
Gaya nga ng sinabi ko kanina,
tayo ang mag-iisip ng lahat, tayo ang
magpapasweldo sa sarili natin, tayo ang
may control sa lahat ng gusto nating
mangyari para sa negosyo.
Magkamali man, hindi tayo masisibak! Haha.
We can make our own decisions kung paano
natin gusto patakbuhin ang ating negosyo.
Gusto ba natin slowly but surely?
Or risk high kasi baka sakaling malaki
rin ang balik sa atin?
Itβs your call. Walang makikialam.
May partner man tayo, we have a
huge part and contribution in it.
UNLIMITED FINANCIAL REWARDS AND OPPORTUNITIES
Basta masipag at may pangarap tayo
para sa sarili nating negosyo, sky is the limit
ang pwede nito marating.
From:
Tindahan to supermarket
Online store to pwesto sa mall o bazaars
Karinderya to your own restaurant
Bakery to coffee shop
2 employees to big company to run the business
Everything is possible!
Walang limitations.
Ang tanging limitasyon lang natin ay
ang takot na nararamdaman habang nagsisimula
pero once na nagamay na natin ito at nakuha ang
tamang timpla at hindi natin napabayaan,
dirediretso na ang sulong nito.
CHANGE OF LIFESTYLE
Gigising ng 4:00 am
Bi-biyahe ng 3 oras papa*ok
Magtatrabaho
Bi-biyahe uli ng 3 oras pauwi
Gawaing bahay
Tulog
May nabasa nga ako na, papa*ok tayong
sanggol pa lang ang anak natin, pag-uwi natin
teenager na sila.
Nakatatawa pero this is a true story.
Malimit na lang natin makasama ang ating
mga mahal sa buhay dahil lahat ng oras
natin ay nasa biyahe at trabaho na.
If we have our own business, lahat βyan mababago
Or at least, makokontrol man lang natin.
We can choose our own time.
Pwede tayong tumawag sa clients at the comfort of our homes.
Lagi tayong present sa school activities ng ating anak.
We can spend time with our family anytime of the day.
Kapag pagod, pwede tayo magpahinga for a while.
Pwede tayo magtrabaho sa kahit anong lugar basta may internet at signal...at maraming marami pang ibang benepisyo.
Ang tanong na lang, paano natin ito sisimulan?
At ano ang mga kailangang tandaan at ihanda?
Let me help you on this area.
comment HOW below para maisend ko sayo ang buong details..