22/08/2024
Ito ay matapos arestuhin ng Indonesian authorities sina Sheila Leal Guo at Cassandra Ong sa Mega Mall Batam Centre, isang mall sa Riau, Indonesia noong Agosto 20 bunsod ng pagkansela ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa kanilang Philippine passport kamakailan.
Ayon kay Sen. Raffy Tulfo, sina Sheila at Cassandra ay sinundo ng Bureau of Immigration sa Indonesia na siyang mage-escort sa mga ito sa kanilang pagsakay sa Philippine Airlines Flight PR 540 sa Jakarta airport patungo ng NAIA.
Ang flight mula Jakarta hanggang Manila ay inaabot ng apat na oras subalit dumating ng mas maaga ang kanilang sinasakyang eroplano alas-4:48 ng hapon mula sa unang estimated time of arrival nito na alas-5:05.
Kasama ring sumundo kina Sheila at Cassandra ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).
“Sinundo sila ng mga kawani ng ating Bureau of Immigration sa Indonesian Immigration,” ayon kay Sen. Raffy Tulfo.
via : Pilipinas Today