13/10/2026
Lesson learned in life:
Kapag may bago kang sapatos, gamitin mo. Pudpurin mo. Lakarin mo nang lakarin. Huwag kang masyadong manghinayang na baka masira agad.
Kasi minsan, habang iniingatan mo nang sobra at tinatago mo sa kahon, dumadating ang panahon na masisira rin siya kahit hindi mo nagagamit.
Ganoon din sa buhay.
Huwag mong hintayin ang “perfect time” para gamitin, maranasan, mahalin, o gawin ang mga bagay na pinaghirapan mong makuha.
Gamitin mo habang meron pa. Buhos mo na lahat habang kaya pa!
Kasi hindi lahat ng bagay ay nasisira dahil ginamit mo—
may mga bagay na nasisira kapag tinatago mo!