16/09/2023
Ugnayan ng MOTC-BARMM at MARINA central office mas pinalawig
Nagpapatuloy ang ugnayan ng Bangsamoro transportation and communications ministry at ng central office ng Maritime Industry Authority, naglalayong mas mapalakas ang magkatuwang na serbisyo publiko sa Bangsamoro region ng dalawang ahensiya
Bagamat may autonomiya ang regional government ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa pamamalakad ng mga ahensiya nito, pananatilihin ng tanggapan ni Minister Paisalin Pangandaman Tago ng Ministry of Transportation and Communications at ng MARINA central office, sa pamamahala ni Administrator Hernani Fabia, ang ugnayang makakabuti sa mga residente ng BARMM.
Tiniyak ni Minister Tago, kasama ang mga regional officials ng MARINA sa BARMM na sina Abubakar Katambak at Alonto Sahiron, sa mga opisyal ng MARINA central office, sa isang pagpupulong nitong August 23, 2023 sa Manila, na kanilang palalawigin ang pagpapalaganap ng mga programa ng ahensiya sa autonomous region.
Sakop ng BARMM ang mga probinsya ng Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi at mga lungsod ng Marawi, Cotabato at Lamitan.
Kasama sa ginanap na meeting ng MOTC officials at ng MARINA national officials ang iba pang mga kawani ng ministry na may mga mataas na katungkulan, sina Albaya Pascua, Mohajiren Diang at Norhaya Katambak.
Dumalo din sa ginanap na dayalogo ang ang mga opisyal ng MARINA central office na sina Deputy Administrator for Operations Nannette Villamor-Dinopol, Chief of Staff Jabeth Jepath Dacanay at sina Arsenio Lingad II at Rowena Hubilla. (September 5, 2023)