03/06/2023
Story Time #1
Dati pangarap ko lang magka-business. Naniniwala kasi ako na di ako yayaman kung empleyado lang ako. Naisip ko na ang baking business, pero hindi ko alam kung saan at paano magsisimula at feeling ko baka di para sa akin yon.
2 years ago, nag-risk kami ng jowa ko mag-start ng business. Hindi namin alam kung ano at paano as in wala kaming background. Heart lang na mag-start. Nakakita ako ng seller ng candies and cookies in a jar and dun na kami nagstart. Nag-ambagan kami ng jowa ko at nagstart sa P1584 at naging reseller kami. After ilang weeks, nag-add kami ng tig P1031 para mas dumami yung maibenta (bali tig-P2615 na total). Di pa kami marunong mag-excel noon, kaya mano mano kami gumawa ng tabs and list ng may kuha hahaha! Awa ng Lord, kumita naman at nakabawi naman sa kapital pero hindi agad naming kinuha, ni-reinvest muna ulit namin.
After ilang months, unfortunately, nagsara yung supplier namin. Pero, di pa rin kami pinabayaan ni Lord! May nakita naman kaming cookies and brownies seller na mag-jowa din at mabubuting tao and since kumita na yung starting kapital namin, dun na kami nag-resell (Medyo madami na yung kinukuha namin non kaya inaral ko na yung excel sa phone! Hahaha) Kalaunan, yung initial kapital namin, Nabawi na namin tapos paunti-unti nakakabili na kami ng mga baking supplies and maliit na oven plus nagagamit pa yung pera sa aming siomai business (Ibabalik namin yun soon!)
November 2021, nasunugan kami. Halos sunog lahat ng mga gamit. Pero, ang lupit ng Lord! May oven kasi kami noon na maliit lang na bihira lang magamit and yes! nakaligtas yon! Kinuha ko na muna yon at yun na ang ginamit namin pang start ng sarili naming bini-bake. Paunti-unti, nadadagdagan na yung mga pans namin, yung mga bowls, and then nakabili na ng mas bigger oven. Yung baking namin sa maliit na oven na inaabot ng 3-5 hours, nareduce na namin sa malaking oven at mas marami ng naibe-bake.
Sa ngayon, di na namin alam minsan saan ilalagay yung mga gamit. Patong-patong na lang hahaha! Pero ang sarap makita na lahat ng mga gamit na ito ay wala kaming ibang ginastos maliban sa tig-2615. Produkto na lahat ng pagod, puyat at tyaga. Kahit maliit, kahit konti, basta tuloy tuloy, laking tulong na sa mga bills and utang. Dito talaga namin nasasabi, "Malayo pa pero Malayo na".
Salamat sa lahat ng mga naging suki! Love namin kayo β₯οΈ. Order pa kayo malay nyo makapagpa-gcash kami soon. Eme π
- Taga-hugas