Team KAP 2023 Barangay Cut-cot, Pulilan Bulacan

Team KAP 2023 Barangay Cut-cot, Pulilan Bulacan Para sa Kaayusan at Pagkakaisa

22/08/2023

Today is a special day, because its your Birthday Konsehal Ma. Rowena "Rowena" Javier.

18/08/2023

Hindi masusukat sa garbo o dami ng kagamitan sa paaralan ang galing ng isang mag-aaral. Tandaan, na ang isang Bayani na gaya ni G*t. Jose Rizal ay tanging "pluma" (mula sa pakpak ng ibon) na may tinta at isang kapirasong papel lamang ang ginamit upang maging tanyag, matalino at magiting sa lahat. 🙋

Panuorin ang isang munting regalo at kasiyahang hatid ng TEAM KAP para sa mga ilang Kabataang Cut-cotenyos! Maraming maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap sa amin. Damang-dama po namin ang inyong tunay at totoong sa amin. Nawa ay sa simpleng handog na ito mula sa aming sariling bulsa ay napasaya namin ang araw ninyo. Hanggang sa susunod po muli naming pagbisita.

BABALA :
14/08/2023

BABALA :

13/08/2023

KAP-atid ❤
KAP-amilya ❤
KAP-uso ❤
Oh ano pa man! Isang magandang gabi ng Linggo sa ating lahat!

HETO NA SIYA! ANG NAGIISANG AKSIYON MAN :)

Sa taglay mong kabaitaan, lahat ika'y hinahangaan,
Walang araw, walang gabi lagi kang naaasahan.
Walang tinitingnan, lahat ay pinakikisamahan,
Hindi ka mahihiya, pagkat madali siyang lapitan.

Ang legasiya mo'y tunay na hindi malilimutan,
Sipag at dedikasyon mo'y hindi mapapantayan.
Sa pakikibaka mo'y kasama kami sa laban,
Kapitan Rene namin ay walang kinikilingan.

Mahal ka namin Kap, noon hanggang ngayon,
At sa patuloy mong laban, kami pa rin ay naroon.
Nasa likod mo lamang at handa sa lahat ng hamon.
Sama sama sa paglilingkod, pag-angat at pagbangon.

Si Kap Reynaldo "RENE" San Pedro nga po pala. Bagamat kilala na ay narito po at amin siyang ipinagmamalaki.. Kasama natin sa Serbisyong may...

K-alinga
A-t
P-agmamahal

Patungo sa...

K-aayusan
A-t
P-agkakaisa

ng buong PAMAYANAN! ❤

13/08/2023

KAP-atid ❤
KAP-amilya ❤
KAP-uso ❤
Oh ano pa man! Isang magandang umaga ng Linggo sa ating lahat!

May ipakikila nga po pala kami sa inyo...

"Sa tagal na niyang naglilingkod sa ating Barangay,
Tiyak kilala mo na siya, lahat ay sumigaw at mag-ingay!
Serbisyong may puso kanyang isasagawa ng walang humpay,
Hindi ka iiwan, iingatan ka , kamay niya sa iyo'y iaalay."

Si Tita Rizza "RIZZA" Cortez nga po pala. Kasama natin sa Serbisyong may...

K-alinga
A-t
P-agmamahal

Patungo sa...

K-aayusan
A-t
P-agkakaisa

ng buong PAMAYANAN! ❤

13/08/2023

KAP-atid ❤
KAP-amilya ❤
KAP-uso ❤
Oh ano pa man! Isang magandang umaga ng Linggo sa ating lahat!

May ipakikila nga po pala kami sa inyo...

"Sa kanyang mga ngiti ay makikita mo ang isang Ina,
Na handang umakay at tumulong sa mga taong aba.
Laging patutunayan katatagan niya at disiplina,
Kasama mo siya saan mang dako, hinding hindi ka mag-iisa.

Si Tita Ma. Elena "NENE" CRUZ nga po pala. Kasama natin sa Serbisyong may...

K-alinga
A-t
P-agmamahal

Patungo sa...

K-aayusan
A-t
P-agkakaisa

ng buong PAMAYANAN! ❤

13/08/2023

KAP-atid ❤
KAP-amilya ❤
KAP-uso ❤
Oh ano pa man! Isang magandang umaga ng Linggo sa ating lahat!

May ipakikila nga po pala kami sa inyo...

"Subok na siya sa kaniyang totong paglillingkuran sa atin,
Wastong Nutrisyon at Kalusugan ang kanyang adhikain.
Sa kanyang pagseserbisyo, walang oras na sasayangin,
Sa kanyang magiliw na katauhan, lahat tayo'y pasasayahin"

Si Konsehala Teresa "TERE" Cruz nga po pala. Kasama natin sa Serbisyong may...

K-alinga
A-t
P-agmamahal

Patungo sa...

K-aayusan
A-t
P-agkakaisa

ng buong PAMAYANAN! ❤

13/08/2023

KAP-atid ❤
KAP-amilya ❤
KAP-uso ❤
Oh ano pa man! Isang magandang umaga ng Linggo sa ating lahat!

May ipakikila nga po pala kami sa inyo...

"Paglilingkod niya sa ating Barangay ay tunay na wagas at totoo,
Handang tumulong at mag-abot ng kamay sa kanyang mga Ka-Toto.
Hangad niya'y dekalidad na Edukasyon sa lahat ng tao,
Sa ating Barangay ay tunay siyang maaasahan at aktibo!"

SI KONSEHALA Rowena "ROWENA" Javier nga po pala. Kasama natin sa Serbisyong may...

K-alinga
A-t
P-agmamahal

Patungo sa...

K-aayusan
A-t
P-agkakaisa

ng buong PAMAYANAN! ❤

13/08/2023

KAP-atid ❤
KAP-amilya ❤
KAP-uso ❤

Oh ano pa man! Isang magandang umaga ng Linggo sa ating lahat!

May ipakikila nga po pala kami sa inyo...

"Araw araw mo siyang makikita sa ating Barangay,
Walang kapaguran, makakatulong mo sa lahat ng bagay.
Sasamahan ka, sa paghingi ng tulong mo sayo'y aalalay,
Never napagod, dahil masaya siya na sa inyo'y umagapay."

Sabi nga niya..."De Kalidad na Serbisyo, He's Glad to Serve You!"

Si KONSE Ruel "SARSI" Logica nga po pala. Kasama natin sa Serbisyong may...

K-alinga
A-t
P-agmamahal

Patungo sa...

K-aayusan
A-t
P-agkakaisa

ng buong PAMAYANAN! ❤

13/08/2023

KAP-atid ❤
KAP-amilya ❤
KAP-uso ❤
Oh ano pa man! Isang magandang umaga ng Linggo sa ating lahat!

May ipakikila nga po pala kami sa inyo...

" Sa pitik ng kanyang baywang, nakatago ang isang inspirasyon,
Na kanyang hinugot mula sa mga pagsubok at nagdaang hamon.
Naging Barangay Health Worker sa mahabang panahon,
Tunay na isang huwaran, mabait at may pusong mamon.

Tunay na Blessed ka, Kay Tito Onong :)

B-alik
L-ingap
E-hemplo ng
S-igla't
S-aya

SI Tito Rudel "ONONG" Mendoza nga po pala. Kasama natin sa Serbisyong may...

K-alinga
A-t
P-agmamahal

Patungo sa...

K-aayusan
A-t
P-agkakaisa

ng buong PAMAYANAN! ❤

Address

01 Barangay Cut-cot
Pulilan
3005

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Team KAP 2023 Barangay Cut-cot, Pulilan Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Team KAP 2023 Barangay Cut-cot, Pulilan Bulacan:

Share