Mommy Doray's

Call Directions

Mommy Doray's The Home of Satisfyingly Good Toasted Siopao

22/09/2026

Today is the day - our 6th anniversary!

So the big question is….

Susuko na ba o susubok pa?

I hope you’ll watch the video til then end! ❤️

1 day to our 6th anniversary! Susuko na ba o susubok pa? Alam nyo ba na bukod sa anniversary namen ay we’re also countin...
20/09/2026

1 day to our 6th anniversary!

Susuko na ba o susubok pa?

Alam nyo ba na bukod sa anniversary namen ay we’re also counting down Mommy Doray’s 86th birthday!

86 and still so strong!

We celebrated in advance para lahat ng apo at anak ay present!

Thank you, Mommy, for everything!

Lahat ng meron kame ay dahil sayo!

Thank you very much!

2 days to our 6th anniversary! Susuko na ba o susubok pa? Almost there mga ka-toasted! Hahaha! Tagal ko iniisip kung ano...
19/09/2026

2 days to our 6th anniversary!

Susuko na ba o susubok pa?

Almost there mga ka-toasted!

Hahaha!

Tagal ko iniisip kung ano ang catchy na itatawag ko sa mga followers…

Pero wala ako maisip!!!!!!

Anyways………

Looking back to this post I made about 3 years ago.

What does NEVER GIVE UP truly mean ba?

And when is it applicable?

Thoughts?

3 days to our 6th anniversary! 🎉Susuko na ba o susubok pa?Hala! Hindi ako nakapag-post on time! 😂Napakaraming ganap buon...
18/09/2026

3 days to our 6th anniversary! 🎉

Susuko na ba o susubok pa?

Hala! Hindi ako nakapag-post on time! 😂

Napakaraming ganap buong araw!
Literal na hindi ko na alam kung saan ako unang hahabol. 😅

Kaya bukas na lang ulit ang kwento ko… 🤭

For now… palapit na tayo nang palapit sa decision reveal! 👀

Ano kaya ang magiging desisyon?
Susuko na ba… o susubok pa?

Stay tuned! ❤️

4 DAYS TO OUR 6TH ANNIVERSARY! 🎉Susuko na ba o susubok pa?If any of you have been following our countdown,gusto ko na ka...
17/09/2026

4 DAYS TO OUR 6TH ANNIVERSARY! 🎉

Susuko na ba o susubok pa?

If any of you have been following our countdown,
gusto ko na kayong pasalamatan agad! ❤️

Few days left… and I am feeling ambivalent (ambivalent?????)!.

Ambivalent about what would happen next
after I finally make the decision.

Excited.
Nervous.
Scared.
Hopeful.

Halo-halo na talaga ang feelings niyo, ate mo. 😂

But for now…
let’s continue counting until our 6th anniversary!

4 days to go. ❤️

Susuko na ba… o susubok pa?

PS: Alam kong hindi match yung photo sa kwento ko. Ambivalent nga e! 😂😂😂

5 DAYS TO OUR 6TH ANNIVERSARY! 🎉SUSUKO NA BA O SUSUBOK PA? 😅THIS IS AN APPRECIATION POST! ❤️For today’s scenario…SABAY-S...
16/09/2026

5 DAYS TO OUR 6TH ANNIVERSARY! 🎉

SUSUKO NA BA O SUSUBOK PA? 😅

THIS IS AN APPRECIATION POST! ❤️

For today’s scenario…

SABAY-SABAY ang challenges.
As in walang gustong magpatalo! 😂

#1 Biglang ayaw mag-charge ng laptop ko.
So ayun… delay-delay ang reports. 😭

#2 Nasira na naman ang motor ng tubig namin.
Kasi apparently, may monthly subscription pala kami sa repair. 😂

#3 Nasira din ang dough roller namin.
Bakit naman pati bakery equipment may pinagdadaanan? 😭😂

Super stressed ang lola nyo early in the morning pa lang!
Parang gusto ko na lang humiga at magkunwaring walang problema. 😂

PERO…

Thank God, andyan si Raf. ❤️

Hindi man nya kayang ayusin lahat pero sya ang kumilos at sumugod sa init at ulan para maayos ang mga bagay.

For every problem, may solution.

💻 Laptop:
May malapit na repair shop sa amin.
Nadala nya agad, naayos within 2 hours, at thank God may pambayad din! 😂
Si Raf ang nagdala at nag-pick up.

💧 Motor ng tubig:
May pumunta para i-check ang sira.
Mapapagastos na naman… pero at least may kahati. 😅
Si Raf din ang kasama sa pag-canvass at pagbili ng materials.

🥖 Dough roller:
May kapitbahay kaming marunong sa electrical kineme 😂 kaya na-check agad at nagawan ng paraan.
At syempre… si Raf na naman ang taga-hanap at taga-bili ng parts.

Kaya today, appreciation post muna para sa taong madalas nasa likod lang ng eksena…

Thank you, Raf. ❤️

Super duper thankful for having you. 🥹❤️

5 days na lang…

At mukhang marami pa talaga tayong susubukan. 😅

SUSUKO NA BA O SUSUBOK PA?

7 days to our 6th anniversary! Susuko na ba o susubok pa? Hahahaha. Natatawa lang ako! 😂Iba sana ang ipopost ko today e ...
14/09/2026

7 days to our 6th anniversary!

Susuko na ba o susubok pa?

Hahahaha. Natatawa lang ako! 😂

Iba sana ang ipopost ko today e pero lumabas to sa featured photos ko.

Naalala ko lang before na pangarap ko maging FA! Ang ganda ganda kase nila at ang gaganda ng tindig nila!

Mga three times ata ako nag try!

Take note… hindi ako sa local airline nagtry… sa international!

Ganun kahibang at kalakas ang faith ng ate mo!!! 😂

Anyways, ni-let go ko naman na tong dream na to…. Although napapa wow pa din talaga ako sa mga FAs pag sumasakay ako ng eroplano.

Yun lang!

13/09/2026

8 days to our 6th anniversary!

Susuko na ba o susubok pa?

Nasa point na ako na feeling ko tntry ko na lahat.

Di ko alam kung meron lang ba ako hindi nakikita o narerealize?

Or baka meron pa ako hindi nasusubukan?

Baka kulang pa pagiging innovative?

Baka masyado na ako nakatingin sa success ng iba na hindi ko nanakikita yung sarili naming growth?

Hhhhmmm..

Samahan nyo na nga lang ako magpack ng order!

9 DAYS TO OUR 6TH ANNIVERSARY! 🎉SUSUKO NA BA O SUSUBOK PA?Ang dami kong nababasa ngayon na hanggang ngayon, hindi pa rin...
12/09/2026

9 DAYS TO OUR 6TH ANNIVERSARY! 🎉

SUSUKO NA BA O SUSUBOK PA?

Ang dami kong nababasa ngayon na hanggang ngayon, hindi pa rin makapagtinda dahil baha pa rin sa lugar nila. 😔

At kahit makapagtinda man sila, iilan lang naman ang nakakabili.

Lugi na sa puhunan.
Lugi pa sa pagod.
May renta.
May kuryente.
May kung anu-anong gastos.

Pero alam mo kung ano ang nakakabilib?

LUMALABAN PA RIN SILA.

Kahit mahirap.
Kahit matumal.
Kahit parang walang kasiguraduhan kung may maiuuwi silang kita.

Lalaban pa rin.

Kaya napaisip ako…

“Anong karapatan kong sumuko, kung sila nga… lumalaban pa rin?”

Hindi ko naman sinasabing bawal mapagod.
Bawal malungkot.
Bawal magduda.

Mapapagod tayo.
Maiiyak tayo.
Minsan gugustuhin talaga nating sabihin na…

“Tama na. Ayoko na.”

Pero baka ang kailangan lang pala natin minsan ay huminga muna…

Tapos subukan ulit.

Kaya 9 days na lang…

Susuko na ba?

O…

SUSUBOK PA? ❤️



Address

Gamban 2628
Pasay City
1303

Opening Hours

Monday 6am - 9pm
Tuesday 6am - 9pm
Wednesday 6am - 9pm
Thursday 6am - 9pm
Friday 6am - 9pm
Saturday 6am - 9pm

Telephone

+639226476263

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mommy Doray's posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category