26/09/2025
📌FAQ’s
1. Saan po kayo located?
Sa Paombong/Calumpit/Bustos po kami.
2. May physical store po ba kayo?
Wala po. Home based baker po.
3. May pricelist po ba kayo?
Wala pong fixed pricelist dahil ibabatay po ang prices sa design, flavors, at sizes. Puwede kayong mag-send ng inspo para mabigyan ko po kayo ng quotation.
4. Meron ba kayong design cakes?
Yes meron po makikita nyo po yung mga sample cake design sa page namin. Pano kung special gatherings? Send nyo lang po yung details for example weddings, birthday, baptismal and etc saka po kami magbibigay din sa inyo ng ibang designs and suggestion.
5. Cash on Delivery po ba kayo?
Hindi po, kailangan po ng down payment and confirmation para maiwasan ang misundertanding sa booking at kasiguraduhan sa order.
6. Nagde-deliver po ba kayo?
Yes, nagooffer kami ng FREE delivery sa malapit na area. May additional FEE na po pagka malayo.
7. Gano ba to kalaki?
Para po mabigyan ng siguradong sukat pakisukat nalang din halimbawa po ay bento ang sukat po ng bento ay 4inch. Hindi po lahat ng nasa picture ay same sizes.
8. Bakit minsan 999+ cupcakes?
PROMO Price po sya minsan at starting price lang po iyon. Depende pa rin sa design at ibang cake details.
9. Legit po ba kayo baka kasi mascam ako?
Opo legit home-based baker and online seller, pwede nyo pong bisitahin ang page para makita ang feedbacks ng aming mga customer’s.
10. Bakit parang tumaas ang presyo sa iba mura lang?
Pakiusap at pakiunawa po, kailangan po naming mag-adjust presyo dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga materyales at hindi po kami gumagamit ng materyales na bahala na ang lasa lahat po ng ginagamit namin ay PREMIUM QUALITY. Saka kailangan din po kumita ng negosyo kahit maliit para hindi bumagsak ang negosyo. Kung dati ang harina ay 50 ngayon ay 65 na po ang asukal, itlog at cocoa na walang patid ang pagtaas. Mga mima ko nakakaiyak na po ang presyo ng cocoa from 250 to 900.
Thank you for understanding us. 🤍