02/06/2020
Dear Customer /Buyer/Client
REAL TALK LANG.
Dahil sa sitwasyon natin ngayon, nagsulputan ang Online Selling. Marami sa atin gusto kumita, kanya kanyang diskarte kumita lng ng konti pandagdag pambili man lang ng ulam. May mga buyer kasi na sobrang pinanghihinayangan yung tutubuin ng seller na 10,20, 30,50 pesos depende sa laki ng puhunan. OO naintindihan ko kayo na mas mataas ng konti sa Regular Price pero isipin niyo yung sitwasyon natin ngayon. lahat ng presyo tumaas dahil sa hirap ng transpo, maliit ang supply pero mataas ang demand. Dear buyer yung puhunan na 100 ang patong lng po nmin diyan 10-20 lang po. tapos oorder k ng isa worth 120 gusto mo FREE DELIVERY PA. hingan k ng delivery charge or handling fee na 20-50 ayaw mo kesyo napamahal ka pa. YES mahal talaga kung yun lng pero ganon rin nman kung IKAW ang LUMABAS. PUMILA, MAGLAKAD kung wala sasakyan or Kung meron man Gagastos ka rin nman ng Gasolina. Naabala ka pa, kasi need mo pa mg ayos, magbihis, at mgtiyaga kasi may pila, mainit, at delikado pa kasi bka yung katabi mo may virus na pala. ISIPIN mo rin yung kalagayan ng mga ngbebenta at ngdedeliver, yung KITA nilang 20pesos sayo napakalaking tulong na yun. Comportable ka na, nakatulong ka pa. Kaya sana WAG Niyo isipin na kami'y nanamantala. Sa konting halaga TIWALA AT SUPORTA MULA sa Inyo SAPAT NA.
Copypaste.