26/07/2024
9 NA SUSPEK SA VOICE PHISHING SCAM, ARESTADO SA GENTRI
BASAHIN: Nitong Miyerkules, inaresto ng mga awtoridad sa General Trias ang siyam (9) na indibidwal na sangkot sa isang voice phishing scam.
Ayon kay PNP Anti-Cybercrime Group acting director P/BGen. Ronnie Cariaga, ang mga suspek ay bahagi ng isang sindikato.
Ang voice phishing scam ay isang modus kung saan nagpapanggap ang mga indibidwal bilang bank personnel at inuutusan ang kanilang biktima na ibigay ang pin ng credit card kapalit ang malaking halaga ng pera.
Source: GMA Integrated News