29/12/2025
🔥 Breaking! Pagharang sa legal na negosyo sa Sto. Cristo, sadyang utos ng tauhan ng hawkers!
Sto. Cristo, Divisoria
Nililinaw po namin sa publiko at sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila:
Ang pagharang sa harapan ng aming mga lehitimong establisimyento ay sadyang ipinag-uutos ng isang tauhan ng hawkers na si NICK ABAPO, na kumikilos bilang tagapamahala / tagapagbigay ng direktiba sa mga naglalatag at vendor sa lugar ng Sto. Cristo.
Ayon sa aming personal na nasaksihan at sa direktang pahayag mismo ng mga vendor:
• Si Nick Abapo ang nag-uutos na ilatag ang mga paninda sa mismong harapan ng aming tindahan
• Inaatasan ang mga vendor na ilapit at iangat ang kanilang mga stock upang tuluyang harangan ang aming storefront at daanan
• Kapag kinukuwestiyon, ang sagot ay “matagal na itong kalakaran sa Divisoria”
Ibig sabihin, hindi ito kagagawan lang ng mga nagtitinda, kundi resulta ng direktang utos ng taong may impluwensiya at kapangyarihan sa hanay ng hawkers.
Kung mali po ito, bakit may taong nag-uutos?
Kung tama naman daw, saan po ito nakapaloob sa ordinansa ng Maynila?
At kung walang basihan sa batas, bakit patuloy na pinapairal?
Hindi po namin tinututulan ang kabuhayan ng maliliit na vendor. Ngunit hindi rin po maaaring:
• ang legal, rehistrado, at nagbabayad ng buwis ang maapektuhan
• ang access ng customer at kaligtasan ay maisantabi
• at ang pang-aabuso sa awtoridad ay itago sa salitang “nakasanayan”
Ang pagiging “matagal na” ng isang maling gawain ay hindi dahilan upang ito ay manatiling tama.
Mayor , nananawagan kami ng imbestigasyon, pananagutan, at agarang aksyon sa Sto. Cristo.
📢 CALL TO ACTION: I-share at manawagan para sa pantay na karapatan ng mga lehitimong negosyo!