31/01/2023
26 years. Tuluyan na naming sinara ang aming munting negosyo na bumuhay sa amin sa loob ng 26 years.
Gusto naming magpasalamat sa lahat ng tumangkilik sa aming mga produkto - sa mga bumili sa amin nung nagbebenta palang kami sa aming bahay, sa mga bumibili sa amin noong may pwesto pa kami sa palengke, sa mga bumibili pa rin kahit lumipat na kami sa Guiguilonen, at sa mga bagong naging customers namin. Sa mga nagsabing kami ang inyong paborito, sa mga nagbibigay ng feedbacks, sa mga alam ang hirap sa paggawa ng baked goods at never tumawad, sa mga may tiwala sa aming produkto kahit hindi naman kami malaking bakery… maraming salamat sainyong lahat. Hindi lang po kami ang nasuportahan niyo, pati na rin po ang aming mga naging staff. 🙏🏽