24/02/2026
Mag-oorder na lang din ako ng Money Cake if may easy money worth P10,000.00. 🤣
Alam n’yo ba na may isang baker na muntik nang mawalan ng order dahil sa isang malaking misunderstanding?
Ibinahagi ni Bea Manuel Sigua ang kanyang karanasan matapos umorder ang isang customer ng money cake sa halagang ₱1,500. Ngunit kalaunan, bigla itong nag-cancel nang malaman na hindi pala kasama ang ₱10,000 na perang ilalagay sa loob ng cake.
Inakala kasi ng customer na kapag nagbayad ka ng ₱1,500, may kasama nang ₱10,000 sa loob.
Pero malinaw na paliwanag ni Bea: ang perang inilalagay sa money cake ay galing mismo sa customer — hindi iyon libre at lalong hindi sagot ng baker.
Aniya, hindi raw siya nag-aabono ng pera para sa cake. Sa biro pa nga niya, “Kung ₱1,500 lang tapos may kasamang ₱10,000, hindi na ako magbe-bake — mag-oorder na lang ako.”
Dagdag pa niya, hindi biro ang paggawa ng money cake. Kailangan pang mag-withdraw ng pera, magpapalit sa maliliit na bills, isa-isang balutin ang mga ito, at siyempre, gawin ang mismong cake. Oras, effort, at pagod ang puhunan sa bawat order.
Mas masakit pa kapag sa huling minuto ay biglang magka-cancel ang customer — nasasayang ang lahat ng paghahanda at trabaho.
Kaya pakiusap ni Bea, sana ay maipadala agad ng customer ang perang ilalagay sa cake, lalo na kung maraming maliliit na denomination, dahil matrabaho talaga ang proseso at marami rin siyang inaasikasong orders.
Isang simpleng cake lang sana ang gagawin. Pero dahil sa kakulangan ng malinaw na usapan, naging malaking stress pa ito para sa gumawa.