18/04/2023
PAANO MAKAIWAS AT HINDI MALOKO NG MGA GCASH SCAMMERS/HACKERS?
Maraming steps, bago ma-access ng sinuman ang ating gcash account.
1- kailangan nilang malaman ang gcash number mo
2- Kailangan nilang malaman ang MPIN mo.
3-Kailangan nilang makuha ang OTP na sinend sa # mo.
Kaya paano nga ba tayo makakaiwas kung sakaling ikaw ang napuntirya ng mga hackers na ito?
1. HUWAG MAGPOST NG INYONG GCASH NAME AT GCASH NUMBER ONLINE.
- kung available ito sa mga online platforms mo, MPIN at OTP nalang ang kailangan nila para mahack ang gcash mo.
-iwasan nyo rin magcomment sa mga namimigay ng gcash sa facebook, kahit na legit ung namimigay pero legit rin na exposed ang gcash name at number mo sa hackers.
2. Never use your birthday as your MPIN.
- pinaka unang maiisip ng hacker na isipin na "baka birthday mo ang mpin na ginamit mo" tapos nakalagay pa sa facebook mo ung birthday mo, hala sige napakadaling hulaan nyan, kung birthday mo ay Jan 1, 2023 ,malamang ang MPIN mo ay 1123 diba? Daling hulaan kaya, never ever use your birthday as ur MPIN ( applicable din ito sa mga ATMs, kapag nanakaw ang wallet mo together with ur id's, mahuhulaan din nila ang pin mo, well di na nga un hula kasi nakita lang sa ids mo)
3. HUWAG MAGBIGAY NG OTP OR ONE TIME PIN KAHIT KANINO!
- eto ang step na pinaka mahirap sa hackers, pero madali na rin dahil nagevolve na ang mga demonyo, mag didisguise sila na ( from Raffy Tulfo, KMJS, Willie revillame or kung sino pa mang nagpapapremyo dyan, sasabihin sesendan kayo ng gcash basta magbigay ka ng OTP, ikaw naman wala kang ka alam alam na alam na pala nya ang gcash number at MPIN mo, so kapag binigay mo ang OTP mo. Booooom! Ayun naaccess na nila ang gcash mo.
Palaging tandaan, ang MPIN at OTP ay hindi dapat pinapaalam kahit kanino man.
MAS LAMANG ANG MAY ALAM!
SHARE THIS TO ALL YOUR FAMILY AND FRIENDS! PARA DI SILA MALOKO!!