28/05/2026
I always keep on praying for all those close to my heart:been there before that's why We care esp.sa inaalagaan at ngtitiwala samin Dito sa Hormone Wellness with Arra AC Carpena loveyou sisters :*
Lord, yakapin Mo po ang mga pusong matagal nang naghihintay magka-baby. 🥺🤍 Dinggin Mo po ang kanilang mga dasal, palakasin ang loob nila araw-araw, at sa tamang panahon, ibigay Mo ang biyayang matagal na nilang hinihiling.
​Para sa mga mag-asawang patuloy na umaasa, nagreready, at minsan tahimik na umiiyak sa gabi habang naghihintay ng dalawang guhit sa test kit... yakap nang mahigpit sa inyo. Alam kong hindi madali ang journey na 'to at may mga araw na nakakapagod din talaga mag-abang.
​Pero kapit lang, ha? Huwag kayong mawawalan ng pag-asa. Ang bawat luha at bawat tahimik na bulong ninyo sa Kanya ay naririnig at binibilang Niya. Hindi Siya natutulog.
​Sobrang worth it ang paghihintay kapag ang mismong kamay na ng Diyos ang nag-abot ng sagot sa mga dasal ninyo. In His perfect time, darating din ang pinakakamahal-mahal ninyong blessing. 🙏✨