18/08/2026
Nagsimula sa isang “what if” noong September 2019—“What if subukan kong gumawa ng kimchi?”
Medyo uso ang mga sangupsalan noong mga panahong iyon, kaya naisipan kong subukan gumawa ng sarili kong kimchi. Nagsimula sa trial and error sa recipe, paghingi ng feedback, at patuloy na pag-improve ng lasa base sa kung ano ang gusto ng mga kumakain, hanggang sa unti-unti kong makuha ang tamang timpla.
At ang pinaka-mahirap na part? Ang ma-maintain ang lasa.
Mula sa una kong Facebook post kung saan nag-try akong mag-alok ng ₱50 na 200 grams na kimchi, nagsimula ako sa tatlong maliliit na garapon. Parang nasa 2kg lang ng Pechay Baguio ang unang batch ko.
From 2kg of Pechay Baguio, ngayon ay umaabot na ng 25kg!
From 3 maliliit na garapon, ngayon ay 12 big containers na!
From 6–10 mini tubs, ngayon ay umaabot na sa 90 medium tubs!
Dati, hindi talaga ako naniniwala na masarap ang gawa kong kimchi. Pero ngayon, ramdam ko na ang pagod, sakit ng kamay, at sakit ng likod sa paggawa ng kimchi.
At doon ko na-realize…
Kaya pala ako napapagod, kasi marami na pala akong orders. At higit sa lahat, totoong masarap pala talaga ang gawa ko! ❤️
Kaya maraming-maraming salamat po sa lahat ng taong tumutulong sa likod ng bawat kimchi na ginagawa ko. Hindi ko na po kayo maisa-isa—sa mga sumusuporta, nag-aalok, nagpo-post, namamalengke, nagpapahiram ng puhunan, at sa lahat ng tumutulong sa akin sa kahit anong paraan…
Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat. ❤️
Hindi ko po mararating kung nasaan ako ngayon kung wala kayo.
After 7 years, masasabi kong napakalayo na ng narating ng simpleng “what if” na iyon noong 2019.
Thank you so much po sa inyong lahat!
Patuloy po tayong susuporta at magtutulungan. ❤️
Keep supporting Aling Hena’s Kimchi! 🥬🌶️❤️
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtangkilik! 🙏