22/05/2017
Para sa mga incoming Grade 11 student, na ang kukunin ay BPP/BAKING and pastry GOODLUCK din sainyo. Dahil halos lahat ng mga Strand sa Senior High, mahirap walang madali kung hindi kayo mag-aaral nang mabuti.
Hindi ganu'n kadali ang BREAD AND PASTRY/BAKING Maraming nagsasabi na kaya ito 'yung kinukuha ng karamihan kasi ito 'yung pinakamadali. Mag bebake lang naman daw kasi. Puro luto, puro bake, puro kain. Okay na daw. Pero hindi. Pagdating pa lang sa pagme-memorize ng mga daan-daang kitchen tools, utensils at equipments. Mahihirapan ka na. Hindi mo sila basta magagamit na lang sa kung ano-anong klase ng pagluluto dahil may mga kanya-kanya silang pinaggagamitan.
Nga-nga ka na sa pag papalabas ng puhunan at tubo kung hindi mo alam ang pamamaraan at kung hindi mo alam ang formula ng tamang pagkuha ng mga ito. Nandito narin ang Inventory at Business plan at kapag hindi ka nakinig. Paduduguin rin utak mo sa Food Costing kahit basic math lang 'yung ginagamit. Magkamali ka lang ng isang computation, damay na lahat.at heto Idagdag pa 'yung Measurement Conversion. Kung walang kang alam sa ounces, pint, quart, cup, gallon, teaspoon, tablespoon, dash, pound, grams at hindi mo alam ang metric equivalent nila, mahihirapan ka. (Saklap)mai aaply din dito ang science at etc. Na mapag aaralan mo din kung ilang % ng sugar ang nandun sa isang cakes, cookies, muffins na binake mo.
Sa pag beBAKE ng cake, muffins, cookies at iba pa kailangan mong aralin ang ang pag-control sa tempersture, changes ng texture, color at flavor nito. Kailangan din ng tamang pag memeasure sa mga ingredients ng tama walang bawas walang kulang. Hindi gaya ng pag may kulang pwedeng iretoke na dagdag dito dagdag jan HINDE PWEDE mahirap diba? Kaya measure accurately bessy Masasayang at masisira ang binebake kapag hindi mo na-control ang pagluluto nito. At Dahil kapag naisalang mo na ito wala ng labas labas sa oven dahil ma didisturb ang pag luluto ng mga ito.
Maaaring hndi ma meet and tamang laki ng isang cake, hindi mag puff at iba pa
Pag-aaralan rin pati ang Menu Development, Pag plating o pag presenta na akala mo ay madali, na isang klase na iseserve mo lang sa isang costomer ay okay na. Ang makikita At nakikita mo sa lahat ng mga bakery shops, coffee shops at iba pa na may mga pastries ay pinag aaralan mabuti na akala mo ay madali pero hindi.
Sa pag bebake naman, hindi talaga ganu'n kadali gaya ng ng inaaakala ng iba. Nandyan na lahat ng mga ingredients mo, naka-prepapare ka na at magluluto ka na. Pagkatapos mong maka pag bake at nasarapan ka sa binake mo pero pagdating na sa judging, 'yung akala mong masarap may mali pa rin at may mga kulang pa. Kaya kailangan mo talagang pag-igihan ang pag bebake. Hindi siya isang oras mo lang matututunan.
Kaunti pa lang 'to sa lahat ng mga mapag-aaralan kapag nag-aral ka ng bread and pastry/baking. Marami ka pang mapag-aaralan na makapagpabago sa isipan mo na hindi talaga 'to madali, PERO MASAYA kapag natutunan mo na. Dahil wala naman talagang madali kapag nag-aral ka. Lahat susubukin ang pag-iisip mo at katatagan mo. Kung hindi ka magtiyatiyaga sa pag-aaral, wala kang maabot. Nagiging madali lang 'to kung nag-aaral ka talaga nang mabuti at hindi puro pagpapagwapo at pagpapaganda lang alam mo.
Kaya para sa mga incoming grade 11 na kukunin ang bread and pastry/baking masaya to pero kailangan mo din na mag hirap dito.
At kapag nalagpasan mo na lahat ito pwede mo na ding gawing simpleng business ang pag bebake at maiapply lahat ng natutunan mo.
•BPP 1st batch (2016-2017)
•experience
•BNCHS
-shnl orbll