05/01/2024
" Canard of Affliction "
Paano,
Mga tanong na bumabagabag sa pagkalito ng isip.
Paano nga ba sa isang iglap ay biglang nagbago ang pag - ikot ng mundo? Na ang saya ay biglang naging pagkabigo?
Sadyang mapaglaro nga ba si bathala?
Na tadhana mismo ang naghahanap ng pagkakataon upang sayo'y mapalayo.
Ang mga alon ay lumilitaw sa pinakamalalim ng aking kaluluwa,
Ang paghampas ng alon sa dalampasigan ani mo'y isang musikang pampatulog sa aking diwa,
Humihele upang makatulog ang bulkang sa loob ay sumabog,
Sinusunog ang bawat ugat ng masasayang memorya na pareho nating binuo at hinulma.
Nang ikaw ay mawala wari'y nawala rin ako.
Baon sa iyong pag alis ang pag tibok ng aking puso,
Kasabay mong lumayo ang diwang sayo'y nakapako.
Ang hangos ng pag hinga at padyak ng mga paa ay sumabay sa pag lisan mo sinta.
Paano?
Ang tanong na bumabagabag sa pagkalito ng isip,
Saan nga ba nagkulang ang pusong sayo lamang naka tuon.
Paano nga ba sa isang iglap ay biglang nag bago ang pag ikot ng mundo?
Ng ang saya ay biglang naging pagkabigo,
Nilunod ang puso ng mga luhang gabay sa pag idlip,
Ang mga tawa'ng sayo'y minsang namutawi,
Ay naging bangungot ng mabigat na pag idlip,
Binabagabag ng himbing ng aking pag tulog upang mabulabog ang isip.
Paano?
Ang tanong na bumabagabag sa pagkalito ng isip,
Saan nga ba nagkulang ang pusong sayo lamang naka tuon.
Paano nga ba sa isang iglap ay biglang nag bago ang pag ikot ng mundo?
Ng ang saya ay biglang naging pagkabigo,
Pipiliting buo-in ang sarili mula sa pagkahati ng iyong pagkawala,
Pipiliting iwaksi ang bangungot ng masayang mukhang sayo'y minsang namutawi.
Pipiliting hanapin at bubuoin ang pirasong nabasag bunga ng paglisan.
Pipiliting maging masaya sa gitna ng lumbay ng iyong pagkawala.
Paano, Ang tanong na bumabagabag sa pagkalito ng isip,
Paanong, Ang mga tawang sayo'y minsang namutawi ay naging bangungot ng pag idlip.
Paano ng ika'y mawala ay nawala rin ako,
Paano nga ba sa isang iglap ay biglang nag bago ang ikot ng mundo? Ng ang saya ay biglang naging pagkabigo.
Paano nga ba bubuoin ang pagkahati ng iyong pagkawala?
Dahil, Hindi ko rin alam kung saan sisimulan,
Kung naisulat na ang wakas bunga ng iyong paglisan.
~ Mysterio