07/03/2024
KUWENTONG IBA: IKA-SAMPUNG KABANATA
Maligayang Kaarawan!
Bago pa man dumating ang araw ng kaarawan ko, tanggap ko nang hindi muna ako mabibilhan ng keyk ni nanay at tatay ngayong taon. Natanggalan kasi ng trabaho si tatay, resulta ng pagkalugi ng kanyang kompanya noong pandemya kaya medyo nagtitipid ang aming pamilya. Ngunit kahit na naiintindihan ko ang sitwasyon, hindi ko pa rin mapigilang makaramdam ng kaunting lungkot. Pero alam ko rin naman na kung magtutulungan kami, lilipas din ang mga panahong ganito.
Mag-isa akong naglakad pauwi ng bahay matapos ang klase. Nagpaalam sa akin ang aking kuya na mauuna na siyang aalis dahil may proyekto silang gagawin kasama ang kanyang mga kagrupo sa klase. Iniisip ko na ang aking mga takdang aralin na kailangang gawin mamaya pagkatapos namin maghapunan, nang makasalubong ko si nanay. “Nay!”, tawag ko sakanya nang gulat na gulat. “Saan po kayo pupunta?”
Nginitian niya lamang ako at sinakbit ang aking kamay sa kanyang braso. “Susunduin sana kita,” sagot niya.
“Bakit po?”, tanong ko naman. Kadalasan ay magkasama naman kami ni kuya na umuuwi. Madalang na bumisita sa paaralan ang aking mga magulang puwera nalang kung kailangan talaga.
“Alam namin na nalulungkot ka, anak,” sabi niya. “Dahil hindi namin maipakita ‘yung pagmamahal namin sa’yo sa pamamagitan ng mga regalo ngayong taon, gusto namin na gawin ang mga munting bagay na makapagpapagaan nalang ng araw mo.”
Muntikan na akong maluha sa sinabi ni nanay. “Ayos lang naman po ‘yun eh.”
“‘Wag ka nang masyadong mag-emote. Akin na ‘yang bag mo at mag-tatricycle tayo pauwi.” Tumawa nalang ako sa kanyang sinabi. “Sagot ko na ‘yung pamasahe,” dagdag niya. Inabot ko sa kanya ang aking mga gamit at sabay tumawag ng masasakyan namin.
Nang makarating na kami sa bahay, laking gulat ko na nandoon din ang aming mga kamag-anak. Nagmano ako sakanila at sabay pumasok sa loob ng bahay. Nakatayo ako sa gitna ng sala nang biglang nagsimulang kumanta ang mga nakapaligid sa akin. Hinawakan ako ni nanay sa aling mga balikat at inikot ako para ako ay nakaharap na sa pintuan ng kusina.
Laking tuwa ko nang lumabas si tatay at kuya na may dalang malaking bilog na tray. Mukhang keyk ang nakapatong dito pero parang hindi rin. Tiningnan kong maigi ang hugis nito na para bang Christmas tree na may mga nakatusok na kandila. Nang makalapit si tatay sa akin, natawa nalang ako sa sobrang gulat at pananabik. “Donut?”, tanong ko nang may malaking ngiti sa labi.
“Galing sa pinakapaborito mong panaderya,” sagot niya habang hinihipan ko ang mga kandila.
LOLO’S DONUTS ARE NOW AVAILABLE 🫶🏼
Contact us and reserve yours now!
page: https://www.facebook.com/lolos.zmb
Mobile Numbers: 0947 725 4836 (SMART) / 0915 994 2520 (GLOBE)