HAPPY Ashter Enterprise

HAPPY Ashter Enterprise Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from HAPPY Ashter Enterprise, Guiuan.

06/06/2021

Happy Lord's Day! Hunyo 6, 2021
Pamagat: Namumulaklak sa Disyerto

Mahahayag dito ang kapangyarihan at kadakilaan ng Panginoon na ating Dios.
Isaias 35:2

Basahin: Isaias 35:1-10 (Ang Salita ng Dios)

1 Ang disyerto ay matutuwa na parang tao. Mamumulaklak ang mga halaman dito.
2 Aawit at sisigaw ito sa tuwa, at mamumukadkad ang maraming bulaklak nito. Magiging maganda ito katulad ng Bundok ng Lebanon, at mamumunga ito nang sagana katulad ng kapatagan ng Carmel at Sharon. At mahahayag dito ang kapangyarihan at kadakilaan ng Panginoon na ating Dios.
3 Kaya palakasin ninyo ang mga nanghihina.
4 Sabihin ninyo sa mga natatakot, “Huwag kayong matakot. Lakasan ninyo ang inyong loob. Darating ang inyong Dios para maghiganti sa inyong mga kaaway, at ililigtas niya kayo.”
5 At kapag nangyari na ito, makakakita na ang mga bulag at makakarinig na ang mga bingi.
6 Lulundag na parang usa ang mga pilay at sisigaw sa tuwa ang mga p**i. Aagos ang tubig sa disyerto at dadaloy ang tubig sa mga sapa sa ilang.
7 Ang mainit na buhanginan ay magiging tubigan. At sa tigang na lupain ay bubukal ang tubig. Tutubo ang sari-saring damo sa lugar na tinitirhan noon ng mga asong-gubat.
8 Magkakaroon ng maluwang na lansangan sa ilang at iyon ay tatawaging, “Banal na Lansangan.” Walang makasalanan o hangal na makararaan doon, kundi ang mga sumusunod lamang sa pamamaraan ng Panginoon.
9 Walang leon o anumang mababangis na hayop na makakaraan doon kundi ang mga tinubos[b] lamang ng Panginoon.
10 Babalik sila sa Zion na umaawit. Mawawala na ang kanilang kalungkutan at pagdadalamhati, at mapapalitan na ng walang hanggang kaligayahan.

Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.

May napansin ang dalubhasang si Edmund Jaeger sa disyerto ng Mojave na matatagpuan sa Amerika. Minsan lamang sa loob ng ilang taon umuulan sa disyertong ito. Matapos ang mga pag-ulan, namumukadkad ang mga halaman at nababalutan ang disyerto ng magagandang bulaklak. Pinatunayan ng mga siyentipiko na kailangang mabasa ng ulan ang disyerto paminsan-minsan at mainitan ng araw bago lumabas ang namumukadkad na mga bulaklak.

Naipapakita sa pangyayaring iyon ang pagbibigay buhay ng Dios kahit sa isang tuyong lupain. Naipaalala naman nito sa akin ang sinabi ni Propeta Isaias ang tungkol sa pag-asang darating pagkatapos ng paghuhukom ng Dios sa mga bansa (ISAIAS 35). Inilarawan ni Isaias kung paanong isasaayos ng Dios ang lahat ng bagay.

Sinabi niya, “Ang disyerto ay matutuwa na parang tao. Mamumulaklak ang mga halaman dito” (T. 1). Sinabi pa niya na papasok ang mga taong iniligtas ng Dios sa Kanyang kaharian na “masiglang umaawit ng pagpupuri. Paghaharian sila ng kaligayahan. Ang lungkot at dalamhati ay mapapalitan ng tuwa at galak magpakailanman” (T. 10 MBB).

Tiyak na tutuparin ng Dios ang Kanyang mga ipinangako. Hindi mananatiling parang isang tuyong lupa ang ating buhay dahil aayusin Niya ito at pasasaganain. Kaya naman, mamuhay tayo ng tulad ni Jesus at ipagkatiwala sa Kanya ang ating buhay. Makakaasa tayo sa pag-ibig ng Dios hanggang sa muling pagbabalik ni Jesus para ayusin ang lahat ng bagay.

-Xochitl Dixon

Dios Ama, salamat po dahil palagi naming Kayong kasama sa pagharap sa mga pagsubok sa aming buhay.

React, Share, and post your reflections.
Follow us on Twitter: twitter.com/odbpilipinas
and on Instagram: instagram.com/ourdailybreadpilipinas
Visit filipino-odb.org to learn more about Our Daily Bread Ministries and our resources
Copyright © 2021 Our Daily Bread Ministries, All rights reserved.
Disclaimer: Please note that internet browsers and online platforms may have built-in translation features that may inadvertently change the meaning and overall thought of our content.

Turning boredom into PRODUCTIVITY🤔🤔🤔Lazy hands make a man poor, but diligent hands bring wealth.—PROVERBS 10:4Happy Asht...
28/09/2018

Turning boredom into PRODUCTIVITY🤔🤔🤔

Lazy hands make a man poor, but diligent hands bring wealth.
—PROVERBS 10:4

Happy Ashter Abrugar

Address

Guiuan
6809

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when HAPPY Ashter Enterprise posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share