21/05/2026
๐ฉ
Sa ika-19 na episode ng ๐๐ฒ๐๐๐ ๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ ๐๐ข๐ง๐๐จ๐ซ๐จ, at sa patuloy naming pag-i-interview sa mga Mompreneur, ikinagagalak kong na-interview namin ang aking ina โ si ๐๐ซ๐ฌ. ๐๐ฅ๐ข๐ณ๐๐๐๐ญ๐ก ๐๐ฎ๐ฉ๐ข๐ญ ๐๐จ๐ซ๐จ๐ง๐, isang pharmacist, negosyanteng nagsimula sa simpleng pagtitinda ng tinapay at isang cancer survivor.
Sa aming naging usapan, ibinahagi niya kung paano nagsimula sa maliit ang kanyang negosyo at unti-unting lumago sa pamamagitan ng pananampalataya, consistency, sipag, at malasakit sa tao.
Mula sa bakery, pharmacy, grocery, hanggang sa Mitchellโs Resort, dala ng kanyang kwento ang paalala na ang negosyo ay hindi nabubuo sa isang araw โ ito ay pinapalago araw-araw.
Isa sa pinakamahalagang aral niya: lahat ng negosyo nagsisimula sa maliit. Ang mahalaga ay tuloy-tuloy ka, kahit mahirap, kahit nakakapagod, at kahit hindi agad nakikita ang resulta.
Ibinahagi rin niya na ang mga empleyado ay hindi lamang tauhan, kundi katuwang sa hanapbuhay. Kailangan silang unawain, sanayin, pagkatiwalaan, at pahalagahan.
Mas naging makabuluhan ang kwento ng Mitchellโs Resort dahil nagsimula ito sa panahon ng kanyang pagpapagaling mula sa cancer. Sa pagtatanim ng gulay, pag-aalaga ng hayop, at pamamahinga sa kalikasan, natagpuan niya ang kapayapaan. Mula sa lugar ng healing, unti-unti itong naging lugar ng pahinga, saya, at bonding para sa maraming pamilya.
Ang payo niya sa mga negosyante: huwag bilangin ang sakripisyo โ bilangin ang biyaya. I-enjoy ang araw-araw, alagaan ang customers, pahalagahan ang mga kasama sa negosyo, at laging magpasalamat.
Panoorin ang ating panayam : https://www.facebook.com/share/v/18xNEv78dH/
Hindi lang kita ang usapan โ diskarte, puso, at pananampalataya ang puhunan.