26/04/2026
Nagmahal, Nanalig, at Nagpapasalamat:
A FREE PASASALAMAT RAFFLE
Kung may "super power" man tayong taglay na kayang tayong itawid sa anumang krisis, eto ay ang pananalig, pag-asa, at pag-ibig. (Faith, Hope, and Love ( 1 Corinthians 13:13).
Sabi ko nga dati, wala naman tayong magagawa sa mga desisyon ng mga makapangyarihang bansa na makipagdigma. But, we have control over our mindset: tibay ng isip, buo ang loob, may pananalig that God will set things right.
We carry on. Patuloy lang sa ating mga tungkulin at gawain.
Para sa ating mga mahal sa buhay.
I work for my child. Walang anumang pwersa ang makakapigil sa akin na siya ay bigyan ng masaya at masaganang buhay.
At gaya ng dati, dahil sa inyong patuloy na mainit na pagsuporta, akin etong napapagtagumpayan.
And to give hope sa mga katulad kong nagmamahal at nananalig, Lumang Bahay sa Tres, Home of the Original Chocobrandy is once again giving away a part of our blessings.
On May 7, Thursday night at 7PM, kami po ay maga pa-raffle ng mga sumusunod:
Isang 11kgs Solane Refill
Tatlong Solane Solito Refill
At lunch for 3 worth 2K sa The Boac Hotel
Eto po ay aming alay sa lahat ng mga Nanay o kahit single, na nagmamahal at nananalig na mabigyan ng masaya at masaganang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay.
To join, pusuan lamang ang post na eto at magcomment in words. Then, we shall reply and assign you a Raffle number.
On May 7, at 7PM, we shall have our live draw dito sa aming FB Page.
Muli, maraming-maraming salamat sa inyong walang sawang pagsuporta sa aming mga munting negosyo!
See you on the 7th, my loves!
P.S. Our Chocobrandy, Mango Salvo, and the rest of our ready-made cakes are available daily dito sa Baranggay Tres, Buenavista, sa Casa Silmara sa Nangka, Mogpog, at sa nag-iisang The Boac Hotel.
For your customized cake needs, just message us or drop by our shop, ahead of time to preorder.
Happy Monday, everyone!