08/04/2026
Kami po ay taus pusong nakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Mayor Joe Padrid.
Isang lingkod-bayan na nag iwan ng bakas ng malasakit,dedikasyon,at tunay na serbisyo para sa kanyang nasasakupan.
Sa panahong ito ng pagdadalamhati,kaisa nyo kami sa panalangin para sa kanyang kaluluwa at sa lakas ng loob ng kanyang pamilya.
Maraming salamat po sa inyong paglilingkod,Mayor.Hinding hindi po kayo namin malilimutan.
Ipinapaalam sa lahat ng mga Bayeños ang opisyal na iskedyul ng mga seremonya bilang pagpupugay kay Kgg. Jose Ortiz Padrid.
Sa mga darating na araw, magkakaroon ng mga Eulohiya at iba pang programa mula sa iba’t ibang sektor—kabilang ang League of Municipalities of the Philippines, pamilya at malalapit na kaibigan, mga kawani ng pamahalaan, mga halal na opisyal ng Pamahalaang Bayan, mga opisyal ng barangay, at mga Bayeños—bilang pagkilala sa kanyang buhay, serbisyo, at pamana sa ating bayan.
Inaanyayahan ang lahat na makiisa at makiramay sa mga itinakdang gawain alinsunod sa nasabing iskedyul.
Patuloy nating alalahanin ang kanyang iniwang inspirasyon—isang ama, isang gabay, at isang alaala na mananatili sa puso ng bawat Bayeño.