HotsPot Boodle Fight and Confections

HotsPot Boodle Fight and Confections Cook with us! Pinasimple, pinadaling paraan ng pagluluto! Tuklasin natin ang sarap ng Putaheng Pinoy Ang pagluluto ay isang napakahalagang sangkap ng buhay.

Hindi habang panahon ay kailangan nating umasa sa mga pagkaing binibili sa labas dahil bukod sa magasto hindi din natin alam kung paano ito niluto. Mainam na ikaw mismo ang dapat maghanda sa pang-araw-araw mong kinakain. Kung nabubusog natin ang sikmura ng mga taong mahal natin, binubusog din nila tayo ng kanilang pasasalamat at paghanga dahil sa pagmamahal na sangkap ng iyong pagluluto. Marami sa

Internet ang nagkalat na sites sa pagluluto ngunit hindi ba't mas mainam na gamitin natin ang sarili nating wika lalo pa't Lutong Pinoy naman ang ang ating pinag-uusapan dito? Nawa'y makatulong ito sa lahat ng gustong magluto tulad ko. Hindi kailangang chef ka o nag aral sa isang culinary school dahil lahat tayo ay may matang masusing tumitingin sa saktong preparasyon ng pagkain, dilang nakakalasa sa sarap nito, ilong na pang-amoy sa sadyang nakakagutom na aroma nito at higit sa lahat ang utak kung paano gayahing gawin ang mga lutuing hinahain sa atin. Samahan ninyo ako at ating tuklasin ang mga sikreto sa pagluluto. Malay ninyo, ito na ang paraan para mapalapit ang mga taong ayaw sa iyo o kaya ay paigtingin ang pagsasamahan ng bawat isa.

Address

Bacoor
4103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when HotsPot Boodle Fight and Confections posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share