31/07/2026
July 31, 2026
Sa Wakas,
Narito na ang Matagal Nating Hinihintay !
noong July 24, 2026, matagumpay na isinagawa ang Groundbreaking Ceremony ng Town & Country Water Individualization Project ng Manila Water.
Matapos ang mahabang panahon ng paghahanda at koordinasyon, isa na itong ganap na katuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Manila Water Company, Inc. (MWCI), TCEVHOA, at ng City Government of Antipolo upang maipatupad ang Individual Water Metering System para sa ating komunidad.
Lubos ang aming pasasalamat sa Manila Water Company, Inc. sa pagsagot sa buong halaga ng proyekto, isang malaking tulong at benepisyo para sa lahat ng homeowners ng Town & Country Executive Village.
Nais din naming kilalanin ang mabilis na pagtugon ng MWCI Team matapos ang pakikipagpulong ng inyong TCEVHOA, sa pangunguna ni BOD President Rommel Augusto Valencia, kasama ang Antipolo City Mayor Casimiro Jun Ynares. Makalipas ang halos isang taon mula sa pulong na iyon, nasaksihan na natin ang pagsisimula ng proyektong ito.
Sa kasalukuyan, sisimulan na ang mainline extension mula Narra Avenue patungong Mahogany at Cypress. Inaasahan ding matatapos at agad na susunod ang DMA 4 (Phase 2) bago matapos ang taong ito.
Muli, taos-puso ang pasasalamat ng buong Town & Country Executive Village sa Manila Water Company, Inc., City Government of Antipolo, Barangay Mayamot, at sa buong TCEVHOA Board of Directors sa katuparan ng napakahalagang proyektong ito para sa ating komunidad.
Maraming salamat po!
TCEVHOA Board of Directors 2026–2027
Water Individualization Committee
NGA, LGU & External Affairs Committee
Media, Communications & Public Relations Committee