19/08/2026
📣 Looking for — PASTRY ASSISTANT 🍰✨
*BASAHIN NG MAIGI AT INTINDIHIN SA MGA INTERESADO MAG-APPLY NG TRABAHO*
Location:
📍 Camella Pampanga (along Friendship Cut-cut, Angeles City)
HOME-BASED, sa bahay ang location ng pastry production
Naghahanap ang Myrtle’s Bakehouse ng karagdagang katuwang para sa aming kitchen production at pop-up operations!
Kung mahilig ka sa pastries, kayang gumawa ng intensive pastry production, mahilig makipag-usap sa tao, at handang mag-roll up ng sleeves para sa prep work, gusto ka naming makatrabaho!
ANG TRABAHONG ITO AY:
👩🏻🍳 Intensive pastry production
✨ Pagpapanatiling malinis at organisado ang workstations
🧁 Paghahanda ng pastries, pagbebenta at pagtulong sa customers sa pop-up
🛒 Booth setup at restocking (maaasahan tumulong sa pagbubuhat ng kagamitan💪🏼)
Hinahanap namin ang:
✔️ Palakaibigan, maaasahan, tapat at mapagkakatiwalaan
✔️ Hindi madaling sumuko, may tiyaga at HANDANG MATUTO
✔️ Komportable sa mabilis na work environment
✔️ Kayang magtrabaho sa ilalim ng pressure at may kaunting supervision
✔️ Bonus kung may food/retail experience (hindi required!)
Schedule:
⏱️ Kadalasan weekdays para sa pastry prep at production
⏱️ Intensive weekends para sa pop-ups
Interesado?
Mag-send nito sa DM
👉maikling intro ng iyong sarili +
👉CV/Resume
👉iyong detalye via DM 💌