24/01/2026
Why Proper, Skills-Based Pricing Is Important in Baking
Bakit Mahalaga ang Tamang Presyo Batay sa Skill sa Baking.
Proper, skills-based pricing is essential to building a sustainable and professional baking business.
Mahalaga ito para masigurong napapahalagahan ang oras, skill, at pagod ng bawat baker, at para maprotektahan din ang buong baking community.
1️⃣ It ensures real profit, not just pambawi sa gastos.
Hindi sapat na mabawi lang ang ingredients at packaging.
Kailangan may tunay na profit para lumago at magtagal ang negosyo.
Ang profit ay hindi kasakiman—ito ay pangangailangan ng isang negosyo.
2️⃣ It values time, effort, and labor.
Ang baking ay hindi madali—matrabaho at matagal gawin.
Kapag palaging breakeven o lugi ang presyo, nauuwi ito sa pagod at burnout.
Ang oras at lakas ng baker ay may halaga at dapat bayaran nang tama.
3️⃣ It reflects skill, training, and experience.
Ang paggawa ng custom cakes ay nangangailangan ng creativity, technical skills, precision, at tuloy-tuloy na pag-aaral.
Hindi ito basta natutunan—pinaglaanan ito ng taon ng practice at experience, kaya dapat tama ang presyo.
4️⃣ It protects the baking community.
Ang sobrang baba na presyo ay hindi lang nakakasama sa isang baker.
Binababa nito ang standard ng industriya at naaapektuhan ang kapwa bakers.
Ang tamang pricing ay pagrespeto sa buong propesyon.
5️⃣ It positions baking as a business, not a hobby.
Kapag tama ang presyo, malinaw sa customers na ang custom baking ay professional work.
Hindi ito pamigay.
Hindi ito simpleng sideline lang.
Ang tamang pricing ay tungkol sa pagpapahalaga sa sarili mong skill, oras, at negosyo.
Hindi ito hobby.
Isa itong propesyon.
Isa itong negosyo. 🍰💼
-BBCAPH Family