06/22/2026
Happy Father’s Day, Mr. A!
Marami man tayong hindi napagkakasunduan, lalo na pagdating sa driving. 😅 Madalas tayong magtalo sa daan, sa directions at kung sino ba talaga ang tama.. ikaw, GPS o ako. Pero buti nalang dun lang kadalasan umiikot ang mga argumento natin sa buhay!😂
Thank you, dad, sa pagiging ulirang tatay sa mga anak natin. Thank you sa walang sawang pagpo-provide para sa family natin at sa lahat ng sakripisyong ginagawa mo para mabigyan lang kami ng magaan at comportableng buhay. Hindi man namin laging nasasabi, pero sobrang naa-appreciate namin lahat yun! ❤️
Sobrang blessed ko na ikaw ang tatay nila Yuan, Chloe, Joaquin at Sebastian. Mabait, responsible, mapagmahal, at number one na konsintidor. 😖 Kaya tuloy ako ang laging kontrabida sa bahay. Isang paalam lang nila sa’yo, parang approved agad ang request nila. Samantalang pag sa akin dumaan, e mahaba-habang usapan ‘to, may application form, interview at pa-background check pa. 🤣
At aminin man natin o hindi, mas pinagpala ka nga e.. kse ako ang napangasawa mo. 😂 (Yun na yun. Wala ng debate. Final answer.)
Hindi man perpekto ang buhay natin, mas gumagaan dahil sa mga jokes mo, sa mga kwentong barbero mo at sa kakayahan mong patawanin kami kahit minsan paulit-ulit na yung kwento. Thank you dahil hindi lang ikaw ang provider ng family natin, kundi ikaw din yung mascot at clown namin. Ikaw din yung comfort at lakas namin lalo na kapag may pinagdadaanan tayo. (thank you sa pag-oovertime mo lagi!🙃)
Sa lahat ng tagumpay, saya, lungkot, problema, bayarin at mga simpleng araw na magkasama tayo, thankful ako kay God dahil ikaw ang kasama kong bumuo ng pamilyang ‘to. (Wow! Ang heavy ng mga linyahan, di ko kinaya🤕)
Again, Happy Father’s Day, Dad! We love you so much.❤️