15/08/2012
Naniniwala ba kayo na minsan ang namatay na eh nasapi sa paru-paro?
Isang umaga paglabas ko sa aming garden ay may biglang dumapo sa akin na brown butterfly. Hindi naman ako takot sa butterfly lalo na dun sa mga colorful, ang ganda nilang panuorin habang lumilipad. Pero itong brown butterfly eh medyo hindi ko gusto parang may kilabot na dala na hindi ko maintindihan. So pumasok na ako sa loob ng bahay namin, napuna ko sumusunod sa akin. Ang ginawa ko ay tinaboy ko kz hindi ko nga gusto pero hindi pa din umalis, lumipad sya sa kisame namin. So pinabayaan ko na lang at hindi pinansin. Maya-maya nakareceived ako ng tawag galing sa friend ko. Namatay daw kagabi iyong ex bf ko. So kinilabutan ako kz hindi masyadong naging maganda ang break-up namin. Na fall out of love ako sa kanya taz hindi nya matanggap. Simula noon parang sinira na nya ang buhay nya, lagi na lang lasing at naging tambay sa kanto at nagbibilang ng poste.
Kidding aside, I'd rather hurt him with a truth than hurt him with a lie. Kaya kahit alam kong masasaktan sya kz ako ang 1st gf & love nya eh pinagtapat ko, ang hirap kz magpretend na mahal mo pa kahit wala ka nang feelings. Naging kind naman ako sa kanya ang I explained to him ng maayos (parang defensive lang ang dating). Kasi minsan parang nakokonsyensya ako, naisip ko kong hindi ba ako nakipagbreak normal pa din ang lifestyle nya nagwowork, homebody? Naisip ko din sana nagtiis na lang ako na hindi masaya atleast wala naman akong nasaktan. Pero the damaged has been done na nga.
So ayon nalaman ko na nasaksak sya habang nag-iinom sa kanto. And then itong butterfly na ito laging nasunod sa akin, ang dami namin dito sa house pero sa akin lang nadapo. Kapag tutulog na ako dito sya nakadapo sa pinto ng room ko. Ang tagal nyang andito almost 2weeks, ilang beses ko nang pinaalis, binubugaw ko ng walis pero bumabalik pa din. So sabi ng ate ko hayaan na nga lang daw baka daw gusto akong makasama noong ex kong for the last time..