12/05/2026
INILABAS NA PO NG PGMN, AT NI MS CJ HIRRO, ANG KONTROBERSIYAL NA VIDEO; π€
Na magbubunyag diumano sa pagkakasangkot ni CONG Martin Romualdez sa flood control na isyu. π€
Kaya kung interesado po kayong panoorin ito ng buo, available na po ito sa FB Page at YouTube Channel ng Peanut Gallery Media Network mismo. π€
Pinanood ko narin po ito, at ito po ang pananaw ko tungkol sa videong ito. π€
1. Kung inaasahan po ninyo na tatalakayin po sa video ang pagkakasangkot ni CONG Martin sa flood control corruption mismo; π€
Ay madidisappoint po kayo. π€
Dahil mas nakafocus po ang video na ito sa mga kontrobersiya sa internal na budget po mismo ng Kongreso; π€
O yung budget na para po sa mga pangangailangan ng mga miyembro nito; π€
Na hawak po, at pinamumunuan, ng asawa ni CONG Martin, na si CONG Yedda Romualdez mismo. π€
Kaya sa palagay ko po, ay posibleng magkakaroon pa ng Part 2, o baka nga hanggang Part 3 pa po, ang video na ito; π€
Dahil bitin po ito, sa pananaw ko. π€
2. Makakatulong po sainyo ang video na ito, kung nais niyo pong malaman ang tunay na lakaran pagdating po sa pera sa loob ng Kongreso; π€
At kung bakit kailangan na po talaga natin ng isang matibay na batas, pagdating po sa tamang transparency at liquidation sa paggamit po ng ating pondo. π€
Dahil makikita po ninyo dito, kung papaano po tila sinasadyang i-overbudget nito, ang lahat nalang ng items sa puwedeng pagkagastusan nito. π€
At kung papaano nililiquidate ito ng mga miyembro ng Kongreso, sa pamamagitan lang ng certification nito, o yung tipong tiwalaan lang po ito. π€
At kung papaano po lumaki ang lakarang ito ng todo todo, noong Speaker na po si CONG Martin, at Chairman na po ng Committee on Accounts, ang asawa po nito. π€
3. At makakatulong rin po ito sainyo upang maunawaan po ninyo; π€
Kung bakit kailangan na po natin talaga ng isang matibay at epektibong Anti-Dynasty Law. π€
Dahil tulad nga po ng naunang sinabi ko, noong si CONG Martin pa ang Speaker ng Kongreso; π€
Ang asawa po nito ang Chairman ng Committee on Accounts nito, o yung parang Treasurer po ng Kongreso. π€
At hindi po dapat nangyayari ito, upang maiwasan po ang kutsabahan sa loob ng isang organisasyon mismo. π€
Kaya nga po madalas na nangyayari lang ito kapag nasa isang family corporation po kayo. π€
At hindi naman po siguro dapat tratuhing parang isang family corporation ang ating Kongreso; π€
Kung saan magkakamag anak po ang Speaker, Treasurer at Majority Floor Leader po nito; π€
Katulad po ng nangyari noon kina CONG Martin, CONG Yedda, at CONG Sandro. π€
Inaamin ko po na hindi na po ako nasorpresa o nabigla sa mga rebelasyon po sa nasabing video; π€
Dahil matagal na po akong pamilyar sa totoong kalakaran sa loob po ng Kongreso. π€
Subalit maganda po itong panoorin ninyo, kung hindi pa po kayo pamilyar sa mga bagay na ito. π€
Upang magising na po kayo kung paano po talaga ginagastos ng Kongreso, ang ating mga pondo. π€
Magandang tanghali po, mga Ka-G ko! π«‘