Unfiltered Realities

Unfiltered Realities Just honest insights.
(1)

“My rules. My pace. My way.”
23/01/2026

“My rules. My pace. My way.”

If you’re easily offended, you’re not being attacked. Your emotions are being touched. And once emotions take over — you...
06/01/2026

If you’re easily offended, you’re not being attacked. Your emotions are being touched. And once emotions take over — you’re easily MANIPULATED.

Sa ikli ng buhay, bakit pa magtrayduran kung pwede namang maging totoo?
28/12/2025

Sa ikli ng buhay, bakit pa magtrayduran kung pwede namang maging totoo?

“Mas masaya ang Pasko dati kasi memories ang iniipon.Ngayon, pictures ang inuuna—dapat mukhang masaya, dapat mukhang mag...
24/12/2025

“Mas masaya ang Pasko dati kasi memories ang iniipon.
Ngayon, pictures ang inuuna—dapat mukhang masaya, dapat mukhang magarbo.”

“Ang mga panukala ng masipag ay nagdudulot ng kasaganaan, ngunit ang nagmamadali nang walang pag-iisip ay nauuwi sa kahi...
23/12/2025

“Ang mga panukala ng masipag ay nagdudulot ng kasaganaan, ngunit ang nagmamadali nang walang pag-iisip ay nauuwi sa kahirapan.”
— Kawikaan 21:5

Hindi lahat ng nayayabangan sayo ay totoo ang reklamo. Minsan, inggit lang na hindi nila kayang aminin.
21/12/2025

Hindi lahat ng nayayabangan sayo ay totoo ang reklamo. Minsan, inggit lang na hindi nila kayang aminin.

Luho ang nagpapasaya ngayon.Pero kahit ambunan ka ng milyon, wala ’yang silbi kung wala kang utak at diskarte para palag...
21/12/2025

Luho ang nagpapasaya ngayon.
Pero kahit ambunan ka ng milyon, wala ’yang silbi kung wala kang utak at diskarte para palaguin.

Gaano man kahirap ang buhay, huwag nating piliing gumawa ng mali.Maaaring may pansamantalang tagumpay ang panlilinlang, ...
13/12/2025

Gaano man kahirap ang buhay, huwag nating piliing gumawa ng mali.
Maaaring may pansamantalang tagumpay ang panlilinlang, ngunit hindi ito pangmatagalan.

Sa huli, ang konsensya ang maniningil—at may hustisyang hindi natatakasan.

Mapapansin mong ang mga taong nananakit at nanlalamang ay hanggang doon na lamang. Walang tunay na pag-asenso kung ang pundasyon ay panloloko.

Sa mundong magulo at mahirap, piliin pa rin nating maging mabuting tao.
Dahil ang tamang gawain, kahit mabagal, ay laging may patutunguhan.

“Gratitude has the power to turn burdens into blessings, and challenges into lessons.”
05/12/2025

“Gratitude has the power to turn burdens into blessings, and challenges into lessons.”

Unsolicited advice? Hindi lahat ng nagbibigay ng payo, nagmamalasakit. Minsan, gusto ka lang kontrolin.
27/09/2025

Unsolicited advice? Hindi lahat ng nagbibigay ng payo, nagmamalasakit. Minsan, gusto ka lang kontrolin.

Mapapansin mo sa totoong buhay:‘Yung mga walang ginagawa, sila pa madalas ang pinakamalakas manghusga. Kung saan-saan gi...
26/09/2025

Mapapansin mo sa totoong buhay:
‘Yung mga walang ginagawa, sila pa madalas ang pinakamalakas manghusga.

Kung saan-saan ginagamit ang oras—sa puna, sa reklamo, sa tsismis—pero hindi sa paggawa.
Kaya imbes na magtayo, mas nauuna pang manira.

Samantalang ‘yung mga totoong kumikilos? Tahimik lang. Wala nang oras sa drama kasi abala sa pagtupad ng pangarap, sa pagbigay ng solusyon, at sa pag-angat ng sarili at pamilya.

Dalawang klase lang ang tao:
‘Yung pabigat… at ‘yung nag-aangat.

Alin ka dun?

Maganda ang malinis na bahay.Maayos. Mabango. Walang kalat.Pero alam mo kung anong mas maganda?Yung bahay na hindi ka ki...
15/07/2025

Maganda ang malinis na bahay.
Maayos. Mabango. Walang kalat.
Pero alam mo kung anong mas maganda?

Yung bahay na hindi ka kinakabahan.

Yung hindi ka takot magkamali.
Yung pwedeng mag-ingay ang mga bata, kasi bata sila.
Yung pwedeng mapagod, at hindi mapag-initan.
Yung kahit magkalat ka minsan, pero hindi ka tinitingnang pabigat.

Maganda ang bahay na maayos, oo.
Pero mas mahalaga yung bahay na may respeto.
Yung kahit may problema, napag-uusapan.
Yung hindi kailangang may takutan para lang sumunod.

Kasi kahit gaano pa kalinis,
kung puro sigawan at tensyon sa loob—wala rin.

Ang tunay na tahanan, hindi lang maayos sa paningin.
Dapat doon ka rin nakakahinga.

So kung papipiliin ka—
Ayusin muna ang ugali bago ang sofa.
Linisin ang pakikitungo bago ang sahig.

Pwedeng malinis ang bahay mo, at ma-impress ang bisita.
Pero kung may kabaitan sa loob,
‘yun ang dahilan kung bakit may mga taong gustong-gusto nang umuwi… at ayaw nang umalis.

Address

Baguio City
2600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Unfiltered Realities posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share